Jollibee 72

1.6K 98 104
                                    

Third person's

"Busy ako, Kwan."

"Hindi ka busy. Hindi ka ngang pumasok e!"

"May ginaga-- Saan mo ba ako dadalhin!? Huwag mo akong hilain! Huy Kw--"

"Shhhh!"

Hila-hila ngayon ni Kwan si Jihoon palabas ng bahay nila. Kanina pa kasi kinukulit ni Kwan si Jihoon na sumama sakanya pero ayaw talaga ni Jihoon. Sa inis ni Kwan, at dahil late na sila sa usapang oras, kinaladkad na niya si Jihoon palabas ng bahay nila.

Doon naghihintay sina Jeonghan at Cheol na may dalang kotse para ihatid sina Jihoon sa Carat Garden. Wala nang nagawa si Jihoon kung 'di sumama dahil nahila na siya ni Kwan papasok sa sasakyan. Buong byahe, nag-iinarte lang si Jihoon habang si Kwan rinding-rindi na sa mga reklamo niya.

"Hyung! Manahimik ka muna ok?"

"Paano ako mananahimik!? Ni hindi ko nga alam kung saan niyo ba ako dadalhin! Tsaka busy nga ako! Bakit mo ba ako hinila--"

"Jihoonie~"

Natahimik si Jihoon nang humarap na si Jeonghan sakanya. Masama na lang niyang tinignan si Kwan sa sobrang inis bago manahimik. Halos yakapin naman ni Kwan si Jeonghan sa sobrang tuwa dahil napatahimik nito si Jihoon.

Hindi nagtagal ay nakarating rin sila sa Carat Garden. At dahil romantic si Soonyoung, may pa-piring sa mata ni Jihoon sa plano nila. Pero imbis na si Kwan ang magtakip ng mata ni Jihoon, si Jeonghan na lang ang gumawa. Natatakot kasi si Kwan na baka saktan siya ni Jihoon.

"Ano ba 'tong kaartehan na 'to? Wala akong makita!"

"Malamang! Naka piring ka kaya."

"Shut up Seungcheol, 'di kita kausap."

Hanggang sa makarating sila sa harap ng isang lamesa at dalawang upuan. May nakasabit na lanterns sa mga puno at rosas sa paligid. Halatang binuhasan ng effort nina Seokmin ang pagdedesenyo nung surprise event ni Soonyoung para kay Jihoon.

Tumakbo na papalayo sina Jeonghan nang hindi man lang tinatanggal ang piring kay Jihoon. Nang maramdaman ni Jihoon na wala nang tao sa paligid niya, siya na mismo ang nagtanggal ng panyo sa mata niya. Bumungad sakanya si Soonyoung na nakatayo sa harap niya at nakangiti.

Hindi naman mapigilang mapangiti ni Jihoon habang tinitignan ang paligid. He really likes scenery like this. Tsaka sobra siyang natouch dahil sa effort na binibigay sakanya ni Soonyoung. Natutuwa siya. . . sobrang saya niya.

"Hi Jihoon!"

"..."

"Upo ka."

"Anong meron?"

"Wala lang."

Tumawa si Soonyoung at umupo na sa harap ni Jihoon. Tanging flower vase at baso lang ang nasa harap nila. Jihoon leaned forward at nginitian si Soonyoung.

"Thank you."

He really meant it. Wala pang nakakagawa ng ganito para sakanya. First time niyang makatanggap ng ganito surprise event. First time na may nag-effort para sakanya. Isang beses niya palang nararamdaman yung kakaibang sayang nararamdaman niya.

"Pasensya na masyadong corny yung idea namin. Hindi naman kasi dapat ganito pero--"

"I don't even deserve this. Thank you talaga."

"..."

"Pero bakit? Para saan 'to?"

"Ah. . . 'di ka pa ba nagugutom? Kain muna tayo."

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon