Jollibee 78

1.6K 106 50
                                    

Soonyoung's

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako habang paulit-ulit kong pinatutugtog yung bagong kanta ni Jihoon. I know I'm stupid for hurting myself more pero kung ito lang ang paraan para mapawi yung pagkamiss ko sakanya, then I'm willing to listen to this song forever.

Nakahiga pa rin ako at nakatingin sa kisame. Patuloy na tumutugtog yung Don't wanna cry. Sobra akong nasasaktan pero pagod na pagod na akong umiyak. Wala na ring luhang tumutulo sa mga mata ko. . . I feel so numb.

I sighed at tumayo na. Tatanggalin ko na sana yung earphone pero agad na nagring yung phone ko. I checked the caller ID and it's Junhui. Agad ko itong sinagot dahil alam ko naman kung bakit siya tumatawag. Namimiss na naman niya yung taong iniwan daw niya. He always calls me everytime na namimiss na niya yung taong yun, kahit nakavoice changing app siya, alam kong umiiyak pa rin siya. Ramdam ko pa rin yung pagkalungkot niya at weird man pero ramdam ko rin kung gaano niya kamahal yung taong yun.

Walang nagsalita saaming dalawa. Bumalik ako sa paghiga at tinakpan ang mata ko gamit ang kamay ko. Hinihintay ko siyang magsalita pero tanging paghikbi lang ang naririnig ko.

"Soon. . . Soonyoung."

"Hi Junhui."

"Soonyoung, miss na miss ko na siya."

Sumakit ang puso ko nang marinig ko ang mga katagang yun. Kailan ko ba maririnig yun mula kay Jihoon? Baka kapag sinabi niya yun mapawi lahat ng lungkot na nararamdaman ko. I sighed at umiling na lang. Aasa ka na naman ba Soonyoung?

"I really really miss him so much."

"Junhui. . . gusto mo, isipin mo na lang na ako siya. Tapos sabihin mo saakin lahat ng gusto mong sabihin sakanya. Hindi ako magsasalita. Makikinig ako."

"..."

"..."

"Mahal na mahal kita."

Unang salita niya palang ay parang nagsisi na ako sa sinabi ko. Sumasakit ang puso ko sa mga sinasabi niya. I bite my lower lip as I calmed myself down. Soonyoung, tama na. Huwag ka nang umiyak. Pagod na pagod na ako.

"Lahat ng 'to ginawa ko para sa'yo. . . para saating dalawa. Natatakot ako. Natatakot akong bumalik kasi baka wala ka na. Natatakot akong bumalik kasi baka wala na akong b-babalikan. N-natatakot akong bumalik kasi b-baka galit ka pa rin saakin. Oo, I'm coward. Natatakot ako na baka 'di mo na ako ngitian tulad noon. Natatakot ako na baka 'di mo na ako yakapin sa tuwing malungkot ako. Natatakot ako na baka 'di ko na marinig ang boses mo habang kausap ako. Natatakot ako na. . ."

"..."

"Na baka nawala na 'yang pagmamahal mo saakin."

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko. He's saying things na nararamdaman ko sa pagbalik ni Jihoon. Sinasabi niya yung takot na nararamdaman ko. And it hurts me na baka. . . baka tama lahat ng yun.

"Ang selfish ko ba na pinagdadasal ko na sana hindi ka pa masaya? Para sa pagbalik ko, ako ang magpapasaya sa'yo. Natatakot ako na baka sa panahong wala ako sa tabi mo, makahanap ka ng ibang makakapagpasaya sa'yo."

"..."

"Natatakot din ako na baka sa pagdating ko, ngitian mo ako at sabihin 'Ito na nga pala si ano, yung taong mahal ko.' Ako dapat yun diba? Kasi ako yung mahal mo. Pero natatakot ako na baka ako yung mahal mo noon at may iba ka nang mahal ngayon."

"..."

"Babalik ako. Pinangako ko sayo na babalik ako. Pero natatakot pa rin ako. Kasi wala kang pinangako na may babalikan ako."

I tried not to sobbed. Hearing those words from him makes me wanna wish na sana kay Jihoon ko na lang naririnig lahat ng to. Sana si Jihoon nalang ang nagsasabi saakin ng ganito. Sana si Jihoon na lang.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko 'to nasabi sa'yo, pero mahal na mahal na mahal kita. Ilang taon na pero mahal pa rin kita. Totoo ngang, kapag one true love na hindi na nawawala."

"..."

"Pero ako ba. . . ako ba yung one true love mo? O baka nabulag ka lang din at ibang klase pala ng pagmamahal yang nararamdaman mo?"

"..."

"Hindi lang pala ikaw ang iniwan ko. . . iniwan ko din yung buhay ko. Iniwan ko din yung sarili ko. You became me, and now I lost myself when I lost you."

"..."

"I. . . I miss you so much. I miss you so so much."

"..."

"The word I love you isn't enough to express what I truly feel for you."

Patuloy ang pag-agos ng luha ko at wala na akong pakelam kung marinig niya ang mga hikbi ko. Pareho kaming humihikbing dalawa. Umupo ako as I curled my knees in my chest at sinubsob ang mukha ko sa dalawa kong tuhod. I cried again. Para bang 'di ako nauubusan ng luha. I cried harder than yesterday.

Kung si Jihoon lang ang magsasabi nang mga salitang yan, my sadness will immediately melt away. Pero mukhang impossible dahil ako lang naman ang nagmamahal saamin dalawa. Ako lang naman.

"I love you so much."

Then the call ended. Ang sakit na sa ibang tao ko narinig lahat ng mga gusto kong marinig mula kay Jihoon. Napasabunot na lang ako sa buhok ko at inis na tinanggal yung earphone sa tenga ko.

I'm really a mess right now. Magulong-magulo ang buhok ko, swollen yung mukha at mata ko at namumula rin ang ilong at tenga ko. What a sight. Noon I always admire myself infront of the mirror pero ngayon, ito ang mukha na ayoko nang makita.

Ayoko nang umiyak ulit. Pagod na pagod na ako masaktan. Dalawang taon na akong nagdudusa. Ano bang nagawa kong mali at bakit dalawang taon akong pinarurusahan? Do I deserve this pain?

I looked myself at the mirror again then tears started the fall down, once again. Napayuko na lang ako at napahawak sa dibdib ko. Hanggang kailan ako masasaktan nang ganito? Hanggang kailan ko siya iiyakan? Hanggang kailan ako iiyak ng dahil sakanya?

Hanggang kailan ko siya mamahalin?

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

PLSSKSKSKNS IM SORRY I'M SO INACTIVE LAST YEAR :(((

PLSSKSKSKNS IM SORRY I'M SO INACTIVE LAST YEAR :(((

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon