Jollibee 76

1.6K 101 96
                                    

2 years later. . .

Soonyoung's

"Hi boss!"

"Hoy Kwan, anong inuupo-upo mo d'yan?"

"Wala namang customer e!"

"Edi mag-aral ka ng lesson mo! Diba finals niyo na? G-graduate ka na pero ngayon ka pa tatamarin!"

"Opo, Tay!"

Inis na tumayo si Kwan at dumeretso sa staff room para kunin ang gamit niya. Nagworking student kasi si Kwan after umalis nung hyung niya. almost 2 years na siyang nagt-trabaho dito at sabi ko sakanya na aalis din siya after niyang grumaduate. Hindi naman kasi pwedeng dito lang siya magtr-trabaho.

Hindi na ako manager ngayon. . . may ari na ko ng branch. Konting sipag at tyaga lang, nabili ko rin itong branch na 'to. So since owner na ako, si Gyu na ang ginawa kong manager at si Seok ang assistant manager. Syempre kapag asensado ako, dapat asensado rin ang kaibigan ko. Haha!

"Hi Hyung! Akala ko 'di ka darating."

"Tapos ka na bang magcoding?"

"Oo naman! Alam mo hyung, mas tumaas ang sales natin ngayong term kaysa sa sales natin last term. Ibang klase ka talaga!"

"Ako pa! Pero Gyu, Seok, may goodnews ako."

"Ano yun, Hyung!? Bakit 'di ako kasali d'yan? Akala ko GyuSeokSoonBoo na tayo?"

"Dali Boo, may chismis si Boss!"

"Oo nga hyung, kaya padaanin mo ako para marinig ko."

"May space naman e d'yan oh!"

"Bakit ba!? Gusto ko sa tabi mismo ni hyung para sagap na sagap ko yung good news!"


"Dami niyong daldal! Dali na Boss, ano na yung chismis mo?"

"Puro kayo chismis!"

"Ikaw nagsimula e! Ano na?"

"Nakipagmeeting kasi ako sa head tsaka sa sa mga ibang owners ng Jollibee branch. And since tayo ang may highest sales ngayong taon at sa nakaraang taon. . . naging ambassador na akong Jollibee!"

"Ano yung ambassador, Kwan?"

"Ewan ko. Wala naman sa pinag-aaralan ko yan."

"Mga tungek! Siya na ang magrererepresent ng Jollibee. Ibig sabihin parang siya yung ipapakilala everytime na may program ang Jollibee ganun."

"Tama si Gyu! Nag-iimprove ka talaga ah?"

"Syempre ako pa."

"Nagpapa-impress yan dun sa customer natin na mukhang matalino. Yung laging nagbabasa ng libro?"

"Ah! Si Wonwoo?"

"Bakit kilala mo siya Hyung?"

"Chill, Gyu! Dapat kilala mo ang mga regular customers mo."

"Kilala ko lang si Hansol e."

"Malandi ka kasi e."

"Pero Hyung, iba rin kasi ang marketing strategy mo e. Every Saturday may iba't-iba kang pasabog na performance kaya every Saturday sobrang dami nating customers."

"Syempre! Tsaka sobrang talented niyo rin kasi. Dahil d'yan, kayo ulit sa Saturday."

"Ano, Boss!?"

"Ay ako boss 'di ako magrereklamo. Mas ok na yun, kaysa ako ang magmascot kay Jollibee. Ang init sa loob!"


"Sus, arte mo. Tsaka diba sabi ko mag-aral ka diba? Kayong dalawa, bumalik na kayo sa trabaho."

"Aye aye Bossing!"

"Sawa na kong mag-aral. Makakagraduate naman ako kahit pasang awa lang yung finals ko e!"

"Kwan!"

"Juk lang!"

Tumakbo na siya ulit sa staff room kaya natawa na lang ako. Ok na yung Mama ni Kwan at nakabalik na sila a year ago. Pero 'di pa rin tinigil ni Kwan ang pagt-trabaho dito dahil sabi niya gusto na niyang tulungan si Jihoon sa pagpapa-aral sakanya.

Si Jihoon? Wala na kong balita sakanya. Hindi na rin naman siya kwinekwento ni Kwan. Si Junhui rin, 'di na niya pinapasok ang topic about kay Jihoon. Puro mga dance choreo at kanta lang ang napag-uusapan namin. Minsan nalang din kami magkatext  simula nung umalis sina Jihoon. Pero minsan tinatawagan niya ako at gumagamit siya ng voice changing app, para sabihin saakin na pagod na pagod na siya. Umiiyak siya saakin at sinasabi niya na feeling niya nag-iisa lang siya. Si Seungcheol hyung, paminsan-minsan nangangamusta. Busy daw sila doon kaya minsan na lang din kami magkachat.

Ako? Ok na ako. After umalis ni Jihoon, tinuloy ko yung trabaho ko. I strived and worked harder. Naisip ko rin kasi na sa Jollibee lang ako nagt-trabaho, 'di katulad ni Jihoon na ayon nakakarating na sa New york. Feeling ko ang liit-liit ko kumpara sakanya. Wala akong maipagmamalaki sakanya.

Ang tanga ko ba dahil nagtrabaho ako at nakamit ko 'to 'di para sa sarili ko, kung hindi para sa pagbalik ni Jihoon pwede na niya akong ipagmalaki? Para 'di na niya kailanganing bumalik sa New York dahil masusuportahan ko na siya morally and financially?

Oo, 'di pa ako nakakamove on. Oo ang tanga ko na dalawang taon na pero mahal ko pa rin siya. Ni wala na nga kaming komunikasyon sa isa't-isa. Pero wala talaga e. . . one true love.

Pero masaya pa rin ako. Masaya na ako kahit 'di pa ako nakakamove on sakanya. At kung tatanungin niyo ako, paano kung bumalik siya? Hindi ko rin alam. Nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko na iniwan niya ako. Nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko yung araw na sinabi niya na aalis na siya.

Para saan pa nga ba 'tong ginagawa ko para ipagmalaki niya ako kung 'di naman ako sigurado kung handa ba ako sa pagbalik niya.

"Hyung, tapos na kaming magcoding. Pwede na ba kaming umuwi?"

"Tanga! 4 am palang, 6 pa ang uwian niyo!"

"Hyung!"

"Si Kwan ang pauwiin niyo dahil may exam pa siya. Para mahaba-haba ang tulog niya."

"Hindi na niya kailangan ng mahabang tulog, Boss dahil natutulog na siya sa staff room."

"Ano?"

"Ayun oh, humihilik habang nakatakip yung libro sakanya."

"Aish!"

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵

hello, smile kau hehe

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon