Jollibee 83

1.5K 100 22
                                    

Dialling: Junhui

Call connected...

"J-Junhui. . ."

"..."

"Pwedeng ako muna ang pakinggan mo?"

"..."

"Junhui, bakit ang sakit-sakit?"

"..."

"Bumalik na si Jihoon. . . Junhui, bumalik na si Jihoon. Hindi ko alam ang gagawin ko."

"..."

"Alam ko. . . alam ko namang hanggang ngayon hindi pa rin ako handa na harapin siya. Alam kong 'di ko pa kaya na harapin siya."

"Soon--"

"Mahal na mahal ko pa siya. . ."

"..."

"Junhui, mahal na mahal ko pa siya."

"M-mah--"

"Junhui, ang sakit-sakit pa rin. Sobrang sakit. Diba dapat masaya ako na dumating na siya? Diba dapat masaya ako na bumalik siya ulit? Pero Junhui. . . sobrang sakit. Wala akong maramdaman ngayon kundi sakit."

"..."

"B-bakit ganun, Junhui? Bakit lagi na lang akong sinasaktan ni J-Jihoon?"

"Soon--"

"Ang tanga ko! Ang tanga ko na iniiyakan ko pa rin siya hanggang ngayon. Ang tanga ko na nasasaktan pa rin ako dahil sakanya."

"..."

"Junhui. . . ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga ko na hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya."

"..."

"..."

"G-gusto mo, kunwari ako na lang siya. Sabihin mo saakin lahat ng gusto mong sabihin sakanya. Makikinig ako."

"..."

"..."

"Jihoon. . ."

"..."

"Bakit pa?"

"Soons--"


"Kaya mong bumalik, kaya mong umalis. . . tapos ako lang yung nasasaktan. Ako lang yung naapektuhan. Bakit ang unfair mo?"

"..."

"N-nung nakita kita kanina, gustong-gusto kita yakapin. Gusto kong sabihin sayo na miss na miss na kita. Gusto kong makasama ka ulit. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. N-nung nakita kita kanina. . . b-bumalik din ang alaala ko nung sinabi mo na aalis ka. Bumalik din yung sakit na nakasanayan ko ng maramdaman araw-araw. Wala akong maramdaman kundi lungkot at sakit. Bumalik ka at bumalik lahat nang alaalang pilit kong kinalilimutan."

"..."

"You left and it feels like nothing is left for me. Umalis ka at kinuha mo lahat saakin. Yung nararamdaman ko, yung puso ko, yung utak ko. . . lahat nakasentro pa rin sayo. Nung nawala ka, nawala rin yung Soonyoung na kilala ng lahat."

"..."

"But you're back. . . pero sa tingin ko 'di na kayang bumalik nung Soonyoung na yun. Yung Soonyoung na nandito ngayon, wala na siyang nararamdaman kundi lungkot at sakit. Ikaw kasi yung kasiyahan niya kaya nung umalis ka, hindi na siya naging masaya."

"..."

"Pero sanay na siya. . . nasanay na siya sa lungkot. Nasanay na siya sa sakit. He almost thought that he's used to the pain and that he's already numb pero nung bumalik ka, napatunayan niya na mali siya. Hindi pa pala siya manhid, nasasaktan pa rin siya. Nasasaktan pa rin siya dahil sa'yo."

"..."

"Sa pagbalik mo. . . 'di na niya alam kung mababalik pa ba yung kasiyahang nawala sakanya o mas madadagdagan lang yung sakit na nararamdaman niya. Litong-lito na ko sa nararamdaman ko Lee Jihoon. . . noon hinihintay kitang bumalik kahit hindi pa ako handa, pero ngayon. . . sana pala hindi na muna."

"..."

"Mahal na mahal kita. Alam mo yun diba? Alam mo na sa pagbalik mo sa Seoul, makikita mo ulit yung Soonyoung na mahal na mahal ka. Makikita mo ulit yung Soonyoung na iniwan mo. . . magkikita ulit tayo."

"..."

"Mahal na mahal kita. Pero hindi pala sapat na dahilan yun para sumaya."

"..."

"Sorry J-Jihoon ah? Hindi ko magawang maging masaya sa pagdating mo. . ."

"..."

"Mahal na mahal kita pero ang sakit-sakit pa rin."

"Soonyoung. . ."

"J-Jihoon. . ."

"..."

"Kelan ka ba titigil sa pananakit mo saakin?"

Call ended...

Soonyoung burst out crying again. Hindi na niya kayang magsalita. Sobrang naninikip ang dibdib niya at hirap na siyang huminga dahil sa pag-iyak. He clutched his shirt sa may bandang puso niya as he closed his eyes. Hindi na niya alam kung paano niya pa ba pipigilan ang pag-iyak niya.

Hindi na rin siya makapagsalita ng maayos. Lahat ng sinabi niya kay Junhui, 'di na niya pinag-isipan. Lahat ng nararamdaman niya, lahat sinabi niya. Lahat binuhos niya kay Junhui. He actually felt a little lighter kasi nasabi na niya ang nararamdaman niya. He also feels na parang kay Jihoon niya sinasabi lahat nang yun.

He also heard Junhui crying in the other line. Pero hindi na niya nagawang itanong kung bakit dahil wala na siyang ibang maisip kundi si Jihoon. He put his phone down gently on his bed before lying on his bed side ways. Inipit niya ang sarili niya sa kanyang unan as he silently cried again.

Tanging mga unan niya lang ang sumasapo ng kanyang mga luha. Tanging unan niya lang ang nakikinig sa bawat hikbi niya. Tanging unan niya lang ang pumupunas sa kanyang luha. He has no one to lean on to. . . nawalan siya ng karamay nang nawala sakanya si Jihoon.

He just didn't lose Jihoon. He lost his bestfriend, his family. . . himself. Jihoon left and he was lost.

Jihoon left and Soonyoung was lost.

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon