Jollibee 22

2K 114 76
                                    

Soonyoung's

Ang lamig~

'Di pa ba lalabas si Jihoon? 10 minutes na lang shift ko na ulit. I rubbed my hands together para maramdaman ko ang init. Kapag nandito na si Jihoon, siya na ang magpapainit saakin.

HAHAHAHAHAHAHAHA OMYGOSH KILIG PWET!

"Soons~"

"Tagal mo!"

"Nagpaalam lang ako. Tara?"

"..."

We walked side by side. Ang cute cute niya. Ang liit-liit niyang tignan dahil dun sa scarf niya na halos takpan na ilong niya.

"Bakit ganyan ka ngumiti?"

"Bawal ba? Ngiti lang ee."

"Hindi ka ba busy?"

"Never akong naging busy sayo."

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya bago siya naglakad ng mga mas mabilis. Ayieee, kinilig lang talaga siya sa magic kindat ko. Ganun talaga kapag pogi.

"Oy! May tanong ako, Ji."

"Oh?"

"Sino si Jun?"

"..."

"Gaano kayo kaclose?"

"..."

"Gwapo ba siya? Sinong mas gwapo saamin, ako o siya?"

"Alam mo naman na ang sagot."

"Ihhhh, ano ba Ji~ Pakilig ka!"

"Syempre si Junhui."

"Ay grabe siya!"

Tumawa lang siya habang ako nakanguso na. Hindi hamak naman na lamang ako ng sampusong paligo dun sa Junhui na yun, pangalan palang alam mo na kung sino talaga ang gwapo. Soonyoung. . . Jun. . . Ako na agad!

"Joke lang, uy~"

"..."

"Ito naman, tampo agad. HAHAHA!"

"..."

"Gwapo ka naman, mas hamak lang na mas gwapo si Jun."

"..."

"HAHAHAHAHA!"

"Imbis na suyuin. . . kainis~"

"Ay bumubulong~ Joke lang naman ee!"

"Joke, pwe~"

"Uy pabebe 'to!"

"..."

"Cute mo."

"Uy narinig ko yun~"

"Andito na tayo. Gutom na ko~"

Tumakbo siya papasok sa loob. Nakita ko pa kung gaano siya kapula.

Pero cute daw ako. . .

Dumeretso ako sa counter at pinag-order siya. Kinindatan pa ko ni Seokmin na isa ring crew dito habang patingin-tingin kay Jihoon. Ngiting kilig naman ako sabay hampas pa sakanya.

Buti na lang walang customer kaya pwede kong masamahan si Jihoon. Tsaka may gusto rin kasi akong itanong sakanya. . . yung about sa ex niya na ilang linggo niyang iniiyakan.

"Ito na order mo, Soons. Enjoy sa date mo."

"Eneber~"

Dinala ko yung tray at umupo sa harap ni Jihoon. Nakatingin na naman siya sa malayo at malalim na naman ata ang iniisip.

"Siya na naman ba?"

"H-huh?"

"Yung ex mo, ano ngang pangalan nun?"

"..."

"Gusto mo pa rin ba siya?"

"Hindi naman ganun kadaling mawala ang pagmamahal mo sa isang tao ee."

"Mahal mo pa nga."

"Pero 'di ko na kayang paglaban. Mahal ko rin kasi si Jeonghan hyung, gusto ko silang maging masaya."

"..."

"And speaking of them. . ."

"Oh ano yan?"

"Thank you gift. Hindi kita napasalamatan ng maayos nung tinulungan mo ako. Salamat Soons! Dahil sayo, kahit papaano sumaya ako."

"Ikaw pa. Hindi ko alam bakit pero ang lakas mo saakin e."

"Alam mo kaya kung bakit. . ."

"..."

"..."

"May sinabi ba sayo si Jun?"

"Ano namang sasabihin niya saakin?"

"Yung ano. . . crush ganun."

"Huh? Ang ano?"

"Alam mo e!"

"Anong crush? Sinong crush?"

"Yung ngiti mo e!"

"..."

"I don't want na. I'm shy na."

Ihhhh! Kung alam ko lang na kaibigan ni Jun 'tong si Jihoon edi sana 'di ako umamin dun sa katext ko. Nakakahiya!!

ALAM NA NI MYLABS SO SWIT NA CRUSH KO SIYA HUEHUE!

"Yung crush mo ko?"

"..."

"..."

"..."

"Soons. . ."

"Oh ano 'yang tono mo? Alam ko, may mahal kang iba. Crush lang naman kita e. Promise!"

"Ayoko lang na--"

"Kaya ko sarili ko. . . Kain ka na d'yan, hatid kita pauwi."

"Huwag na!"

"Magtata--"

"Ako ang magtatampo sayo 'pag nagpumilit ka pa."

"Hanggang sakayan lang, please~"

"Hanggang sakayan lang."

"Promise!"

🎵🌟🎵🌟🎵🌟🎵


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon