Jollibee 92

1.7K 110 75
                                    

Soonyoung's

"Inom pa tayo!" - Kwan

"Kwan. . ."

"Ito namang si Hyung oh, kakagraduate ko lang. Wala muna dapat restrictions." - Kwan

"Hoy tangina! Tumatalino pala si Kwan kapag lasing." - Seok

"Dapat pinainum yan nung finals niya para valedictorian siya."

Halakhakan kaming lahat sabay taas ulit ng baso namin. We cheered for Kwan at sabay-sabay na tinungga ang alak namin. Nasa VIP room kami ng isang bar para icelebrate ang graduation ni Kwan.

Pero bago pa namin napagpasyahan na uminom, napagkasunduan na namin ni Cheol hyung na 'wag masyadong uminom para may makapaghatid sakanila. Kasama kasi namin sina Jeonghan hyung, si Seok, Gyu, Cheol hyung, Wonwoo, Hansol at si Jihoon.

Oo kasama si Jihoon, isa ring dahilan kaya 'di ako makainom. Kahit binabawalan niya si Kwan, siya rin naman halos lasing na. Halata na sa mukha niya dahil pulang-pula na ang pisngi niya at ilong niya. Yung mga mata niya ay papikit-pikit na.

Tatlong tao ang layo namin sa isa't-isa pero 'di ko mapigilan na 'di siya tignan. Kada kuha niya ng alak at kada inom niya, tinitignan ko. Kailangan ko siyang bantayan. . . Gusto ko siyang bantayan.

"Huwag kang mag-alala, hindi mapapano si Jihoon dito Soons." - Cheol

"H-huh?"

"You look so bothered. Loosen up! Baka masira ang party ni Kwan kung makikita ka niyang ganyan. Lalim ng iniisip mo e." - Cheol

"Nag-aalala lang ako. Madami na siyang nainom ee."

"Andyan ka naman diba?" - Cheol

"Oo, per--"

"Baba lang ako at oorder pa ng drinks."

Napatingin ako nang tapikin niya si Jeonghan hyung. I knitted my eyebrow at tinignan siyang tumayo. Mukhang nahihirapan na siyang maglakad dahil sa sobrang hilo.

I looked at Cheol hyung at tumango lang siya kaya tumayo na ako para pigilan si Jihoon. I immediately grabbed his wrist that made him yelped kaya napatingin saamin sina Kwan. Silence envades the place habang nakatingin lang sila saamin.

"S-soons. . ."

"Samahan na kita. D'yan ka lang, hintayin mo ako."

Tinulak ko siya paupo sa sofa at nilapitan si Kwan. Balak ko na kasing iuwi si Jihoon dahil mukhang hindi na talaga niya kaya. Hindi ko alam ang tolerance niya sa alcohol dahil hindi pa naman kami uminom noon na magkasama pero nasisiguro ko na lasing na siya.

Bukod sa matatapang na alak ang iniinom niya, nahihirapan na rin siyang maglakad at mukhang bibigay na siya.

"Kwan, uuwi ko na si Jihoon ah. Congrats ulit."

"Ah sige, Hyung. Lasing na talaga yan. Mababa tolerance ni Hyung kasi 'di siya palainom. Pero tahimik lang siya kapag lasing. Tulog lang."

"O sige. Salamat. Bye Kwan."

He just smiled kaya ngumiti na lang din ako pabalik. Kasunod noon ay tinignan ko si Cheol hyung na mukhang alam na ang binabalak ko. Tinanguan niya lamang ako kaya lumapit na ulit ako kay Jihoon.

Tumayo siya agad at lumapit saakin. He cutely streched his arm kaya napangiti ako. I held his hand at hinila na siya palabas ng club. Pagkapasok niya sa kotse, he dozed off immediately. I chuckled as I reached for my phone para picturan siya.

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon