Wattpad Original
This is the last free part

Chapter 145

1M 36.1K 23.9K
                                    


Mentally Ill

Jay-jay's POV

"Mababaw lang naman po yung sugat. Hindi na po kailangang tahiin pero siniguro ko po na nakasara na yung sugat para hindi na dumugo," paliwanag ng maid sa 'kin.

Sorry, Yuri!

Hindi niya tinawagan si Keifer pero tumawag siya ng mga maid na tutulong sa 'kin. Nakaka-guilty tuloy, badtrip!

"S-salamat po," sabi ko at nagpilit ng ngiti sa kanila.

Ngumiti din naman sila sa 'kin. "Pakihintay na lang po si Young Master dito," sabi pa nila at umalis na.

Naiwan akong mag-isa sa parang mini clinic nila. Nakatanga ako at nanlalambot. Tiningnan ko yung apron ko na may dugo na.

Wala na...

Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari lang 'yon sa sariwang dugo.

Ano ba talagang mali sa 'kin?

May bahagyang kumatok sa pinto kaya napatingin ako dun. Si Yuri. Malungkot ang mga mata niya.

Nahihiya ako sa kaniya. Dapat hindi ko na sinabi na tawagan niya si Keifer.

"Okay na sugat mo?" tanong niya at lumapit sa 'kin. Tipid na tango ang sinagot ko sa kaniya. Napayuko rin ako dahil sa hiya.

"S-sorry... Hindi ko dapat sinabi yung kanina."

Nanguha siya ng bangko at naupo sa harap ko. Hinawakan din niya yung dalawang kamay ko.

"Okay lang... Pero sana ipaliwanag mo naman sa 'kin yung nangyari kanina. Pakiramdam ko wala akong alam sa 'yo."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Kasalanan ko 'to. Noon pa dapat ako nagsabi sa kaniya. Paano na lang kung kasal na kami at wala pa rin siyang alam?

"May alam ka naman tungkol sa 'kin... Hindi nga lang lahat. Natatakot kasi akong sabihin sa 'yo... sa inyo. Kasi kahit ako, hindi ko maintindihan yung nangyayari sa 'kin," paliwanag ko.

"Hindi naman masamang magsabi. Ano'ng malay mo, baka kaya kitang tulungan na alamin 'yon?"

Tama siya...

Matagal ko nang inaalam sa sarili ko kung ano 'to pero wala naman akong napapala. Baka nga matulungan niya ako.

"Yuri kasi..." panimula ko at huminga nang malalim. "...m-may mali sa 'kin."

Tiningnan niya ako sa mga mata at hinintay ang sasabihin ko.

"K-kapag nakakita ako ng dugo, may kakaibang nangyayari sa 'kin. Nung una akala ko, phobia lang sa dugo pero nung tumagal... iba na. Nawawalan ako ng malay sa pagkakatanda ko. Pero sabi nila, kumikilos ako, gumagalaw at... nagsisimulang manakit ng iba," pagtutuloy ko.

Kita ko ang interes ni Yuri sa pakikinig sa sinasabi ko. Ayoko na sanang magsalita pero alam kong dapat ko na 'tong sabihin sa kaniya.

"...K-kahit ano'ng pilit ko, hindi ko matandaan na nanakit ako nang gano'n. Walang kahit ano..." Kusa nal ang bumagsak ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan. "Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'yon. Basta nagsimulang mangyari 'yon nung kidnapin kami ng tatay ni Aries, nasundan pa nung mag-away kami ni Cyrus, at yung huli... yung kay Ram."

"P-pero sabi ni Keifer, pinatulungan niyo daw si Ram," sabi ni Yuri.

Umiling ako. "'Yon ang usapan namin na sasabihin namin sa inyo. Pero alam nina Kuya Angelo at Aries yung nangyari. Sinabi niya at nagbabasakali na may alam sila... pero wala."

icon lock

Show your support for Lara, and continue reading this story

by Lara
@eatmore2behappy
Pagkatapos ng mga pinagdaanan nila ng Section E, ang buong akala ni J...
Buy a new story part or the entire story. Either way, your Coins help writers earn money for the stories you love.

This story has 116 remaining parts

See how Coins support your favorite writers like @eatmore2behappy.
Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Where stories live. Discover now