THE STRANGER

2K 60 10
                                    

Chapter 1
"The Stranger"



YUMI'S POV

Normal na sa isang estudyante ang tamadin sa unang araw ng pasukan. Kagaya ko, hindi pa man sumasapit ang araw na iyon na pinaka-aayaw ko ay inaabot na ako ng katamaran. Sa totoo lang, bukas pa naman ang first day of school. But to think na last day na 'to ng bakasyon namin, nakakawala ng mood.


This is not just about the first day of school. Dahil sa kaisa-isa kong bestfriend since elementary days, I switched schools, from public to private.


I'm poor, wala akong mga magulang dahil magmula palang bata ako ay ulila na ako, wala parin akong nakukuhang trabaho dahil hindi pa applicable ang edad ko. Ngunit paano ko na-attain na pumasok sa isang private school? Simple lang, dahil sa sobrang bait ng tatay ng bestfriend ko, nagawa ako nitong paaralan. Suportado ako sa anumang gastusin sa paaralan. Malaking utang na loob iyon para sakin na kinakailangan kong bayaran pagdating ng panahon.

By the way, back to the real topic.. Ayoko pa talagang pumasok. I swear... Kaya eto ako, palakad-lakad habang lumulutang ang isip sa kawalan.

Habang iniisip ko ang bagay na nagpapawala ng mood ko, isang di inaasahang pangyayari ang gumising sakin sa mundo ng reyalidad. Isang di kilalang tao ang biglang may humablot ng bag ko.

"HO-HOY!!!!! YUNG BAG KO!!!! IBALIK MO YUNG BAG KO!!!!" sigaw ko pero wala man lang tumutulong sakin. Sanay na ako, hindi sa pagnanakaw ng ibang tao sa gamit ko kundi sa kawalan ng pakialam ng mga tao sa paligid ko. Kahit na sobra ang pangangailangan ng ibang tao sa kanila.

Dahil sa panghihinayang ko, hinabol ko yung snatcher. Mabilis ang isang 'to. Ilang kanto ang kanyang nilikuan na naging dahilan para hindi ko sya mahabol. Hanggang sa inatake na ako ng hika ko at nawala na sya sa paningin ko.



"Bwisit!!"


Halos mapamura ako sa inis sa taong iyon. Umupo muna ako saglit, hinahabol ko yung hininga ko. Laking pasalamat ko nalang at hindi ganun kalala ang hika ko.

Habang nakaupo ako, hindi ko maiwasang mapaisip.

"Bakit naman yung bag ko pa?! At yanong tanga naman nung kumuha nun, hindi muna tiningnan yung itsura ng bag ko bago kunin. Halata namang pangmahirap. Kasi bukod sa libagin ang itsura eh sira-sira pa! Tanga eh!"

Para akong taong wala sa katinuan habang kinakausap ang sarili ko. Sa huli, wala na rin akong nagawa kundi ang maglakad pabalik ng bahay ng bestfriend ko na itinuturing ko naring bahay ko.

"Yung bag ko.... Hindi ba nya alam na kaisa-isang bag ko na yun. Nandun pa yung pera ko! Hay naku! May pang-McDo na sana ako. Kahit yung 50 McSaver meals lang." Maluha-luha kong saad sa aking sarili habang naglalakad pauwi.

Subalit hindi pa man ako nakakalayo sa lugar kung nasaan ako, isang bagay ang pumukaw ng aking atensyon. Habang naglalakad ako, nakakita ako ng lalaking nakaupo sa isang hagdan at naghahalungkat nung bag.


Paalis na sana ako kaso parang nakikilala ko yung bag na hawak nya...


Is that my bag?? Bulong ko sa aking isipan.


Tinitigan kong mabuti yung bag at nanlisik ang aking mga mata nang ma-realize ko na akin nga yung hawak nya. Dali-dali akong lumapit papunta sa kanya at kinuha yung bag ko. Isang malakas na sampal mula sa aking kamay ang sumalubong sa walang kamalay-malay nyang mukha.


"Hoy! Walanghiya ka! Ang kapal ng mukha mong kunin yung bag ko! Hindi ka maghanap ng trabaho mo! Magnanakaw! Wag na wag kang aalis dyan! Tatawag ako ng pulis!"


Nakakapagtakang hindi nga ito umaalis at nakatungo lang. Anong klaseng snatcher 'to? Kadalasan sa krimen na napapanuod ko sa pelikula, kapag ganito ang sitwasyon ay tumatakas na yung may sala.

Hindi ko nalang iyon binigyang pansin at kinuha ko yung cellphone kong 1100 sa bag. Nagdial ako sa hot line ng police station. Sa kasamaang palad ay biglang itong namatay.


[Sorry, you don't have enough balance to make this call....] Dinig ko sa aking telepono.

"Ay...wala na ata akong load..." sabi ko with full of shame.

"Tss...." Nagulat ako nang biglang tumayo yung lalaki na hindi ko masyadong makilala ang mukha gawa nung bangs.



Nung tumingin sya sakin, nagulat ako bigla...Shocks! Ang gwapo naman neto!

Pero sayang naging snatcher eh...


"Hoy ikaw! Sa ubod naman ng kapal naman ng mukha mo!" Sigaw nito sakin.


"Huh! Ako pa ang makapal ang mukha?! Eh ikaw na nga 'tong nang-snatch ng gamit!" Buong lakas akong nakipagsagutan dahilan sa alam kong ako ang nasa tama.


"Hoy! Unang-una sa lahat, mga pangit lang ang nagiging snatcher.Etong gwapo kong 'to? Mapapagkamalang snatcher?! Eh tanga ka ata eh!" Sagot pa nito. Ngayon lang ako naka-encounter ng snatcher na inuuna pa ang pakikipagtalo kesa sa tumakas.


"Eh bakit hawak mo yung bag ko?! Alam mo bang yung pera ko dito ay pang-McDo ko pa!? Tapos mahalaga pa lahat ng laman nito!" Sumbat ko sa kanya para lang malaman nya na mali ang kanyang ginawa. Hindi dahil sa nagnakaw sya kundi sa maling tao sya nangnakaw. Sa akin pa na saksakan ng hirap sa buhay.


"Twenty pesos, McDo? Magtigtwo-20 ba sa McDo?! Bobo! Alam mo, kaya lang naman napapunta sakin yan eh dahil hinabol ko yung kumuha nan sa'yo! At ngayon, kaya ko hinahalwat yan, eh dahil naghahanap ako ng something na ID mo para malaman ko kung sino bang may-ari nito. Kaso ang mga nakita ko ay isang pirasong mumurahing napkin, isang HBW ballpen, isang cellphone na Nokiang 1100 at isang wallet na may lamang 20.00. Ngayon, yun ba ang sinasabi mong mahalaga?!... Tss!! Makaalis na nga dito!" sabay lakad paalis


Napatungo ako sa sobrang hiya ko nun. Nakakahiya grabe....

Ngunit isang bagay ang mas tumatak sa isipan ko. Paano nya nalamang mumurahin yung napkin ko? Nabili ba sya nun?

Ahhh....Ang lakas pa ng loob kong magbalak na kumain sa McDo, 20 lang naman pala ang pera ko. Nakakahiya talaga... (>.<)


Nasisi ko pa yung lalaki kanina... Haisshhh!!! Mali! Maling-mali!



LATER


30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now