DAY 19

890 27 0
                                    

                  Chapter 23

                    "Day 19"

Yumi's POV

Saturday....

Kakayanin ko kayang magpanggap ulit?? Parang ang hirap na ha?? Espesyal daw kasi ang gagawin naming pagpapanggap ngayon eh.

Formal daw kasi... Pupuntahan daw namin yung tatay nya...

Bakit kasi kailangan pa naming magpanggap?? May tinatakasan ba sya??

"Huy! Lalim ng iniisip ah..." Ella

"Uy Ella, sorry nga pala. Hindi kita masasamahan ngayon. May lakad kasi ako eh."

"Ano ka ba? Okay lang yun. Alam ko namang si Zem ang pinagkakaabalahan mo ngayon eh..... Go ka nalang. Don't mind me."

"Sigurado ka??"

"Yeah! Ako pa?"

Nginitian ko nalang si Ella para walang maganap na tampuhan. Kasi naman yung bakulaw na yun eh! Bakit kasi kailangang ngayon pa??

Aisshh!!

.......

Zem's POV

"Uy Zem, bihis na bihis ka ata ah. Saan ba ang lakad natin?" CJ

"Wala akong panahon para magkwento sa'yo." masungit na sagot ko.

"Eh sus, ang sabihin mo, may date kayo ni Yumi.... Sinasabi ko na nga ba pare talo ka na sa pustahan eh."

"Mukha ka nang pustahan ano? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na may kailangan lang ako kayo ko 'to ginagawa."

"Alam mo, kahit ilang paliwanag pa ang gawin mo hindi ako naniniwala sa'yo..."

"Edi wag kung ayaw mo....CJ, can you do me a favor?"

"Sure, basta may kapalit."

"Tss... Ano bang gusto mong kapalit??"

"Pangkain."

"Oh.... 1,500, kasya na siguro sa'yo yan."

"Yun! Salamat. Ano bang ipapagawa mo?"

"Pumunta ka sa ***** restaurant. Mamayang 7:00pm."

"Anong gagawin ko dun??"

"Mamaya ko sasabihin sa'yo pag nandun ka na. Tatawagan nalang kita."

*Tok!Tok!Tok!*

Andyan na sya....

Pumunta ako dun sa pintuan at binuksan yung pinto....

"Oh, hindi ako late ha??"

"Hi Yumi!!" CJ

"Hello!" Yumi

"Buti naman. Tara na. Hoy CJ, yung pinapagawa ko. Ayusin mo."

Tumango nalang si CJ habang tinititigan yung perang binigay ko. Para namang hindi sya nakakatanggap ng allowance....

By the way, kailangan ko nang mag-focus sa gagawin namin mamaya.

"So saan tayo??" Yumi

Tiningnan ko naman sya ng maigi from head to toe...

"Hindi naman siguro kita pwedeng iharap sa matandang yun nang ganyan ang itsuragun mo. Baka sabihin kung saan lang kita pinulot."

"Maka-pulot naman 'to. Ano ako? Manika?"

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Kde žijí příběhy. Začni objevovat