Day 8

809 22 0
                                    

                Chapter 12

                   "Day 8"

Yumi's POV

"Wow.... Lawak ng ngiti natin ah." Ella

"Syempre.... Nabawasan kasi yung problema ko..." (^___^)

"Bakit naman?"

"I'm no longer your representative in that stupid pageant." I said

"Ha?! Eh pano yan? Wala tayong representative?"

"Aba, problema nyo na yun."

"Ang sama mo talaga." Ella.

Pakialam ko sa inyo? (~___~)

At least I'm happy now!!!

Walang asungot sa buhay! Kasi.... Busy sya sa pagpra-practice para sa pageant. O diba? I'm such an intelligent woman.

"KKKYYYAAAHHHH!!!! KASALI SI ZEM!!!"

May narinig kaming sigawan galing sa new building....Parang may nagkakagulo.

"Anong meron dun?" tanong ni Ella

"Narinig ko yung pangalan ni Zem eh. Baka yung tungkol dun sa SCCC. Tara tingnan natin. Titingnan ko lang yung picture ni Lina."

"Si Lina na ba ang representative natin?"

"Oo ah.. Sya yung pinalit ko."

"Grabe besh, ang pangit nung pinalit mo ha? Mukhang linta."

"Sinong masama satin ngayon?" tanong ko.

She just rolled her eyes at nagmadali sa paglalakad. Nagalit ata...

Paglapit namin, hindi namin masyadong makita yung mga pictures. Ang dami kasing nasa unahan namin eh.

"Excuse me...."

Nagpumilit kaming makisiksik sa dami ng tao. Yung iba nga sa kanila nagagalit na eh... But who cares? Gusto lang naman naming makita eh. Kanina pa naman sila dun.

Sa kasisiksik namin, napapunta kami sa unahan, wherein kitang-kita namin yung mga pictures.

Inisa-isa namin yung mga picture. Syempre, inuna naming tingnan yung mga lower sections na nasa baba ng board.

Nyaks! Ang cu-cute nung iba. Yung iba naman mukhang ewan.

Samantala, sa gitna ng pagiging busy ko sa katitingin ay bigla akong kinuhit ako ni Ella.

"Besh..."

"Ano?"

"Yumi..."

"Ano nga?!"

"Hindi ka na ba talaga kasali?"

"Oo ah... Sinabi ko na sa'yo kanina." sagot ko habang panay ang tingin sa board.

"Sure ka?"

"Oo nga, bakit ba?"

"Eh nandito ka eh. Representative ka parin ng section natin. Sabi mo si Lina? Eh kasali ka pa naman eh."

"HA?!"

Napatigil ako sa pagtingin nung sinabi ni Ella na kasama pa ako sa mga lalaban.

Hinanap ko yung sa section at..... Sya nga...Kasama pa nga ako!! How can that be possible?! Umayaw na ako diba?!

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now