DAY 10

826 25 0
                                    

                Chapter 14

                  "Day 10"

Yumi's POV

Hala! 3 days nalang at laban na namin... Hindi parin ayos yung paglakad ko...

Bakit kasi kailangan pa ng ganito kataas na takong?! Pwede namang rumampa ng naka-flat shoes diba??

"Uy besh... haba ng mukha mo ah.... Ano bang problema? May nang-away ba sa'yo? Binully ka ba?" OA na tanong ni Ella.

"OA mo. Namro-mroblema parin kasi ako dun sa paglakad ko gamit  yung hindupak na 5 inches heels na yun!"  naiinis na sagot ko.

"Hahahahahahahahaha...."  malakas na tawa nya.

"Anong joke??" tanong ko.

"Grabe ka besh.... Ilang taon ka na? Hindi ka parin marunong gumamit ng heels? Hahahahaha..."

"Bakit? Ako lang ba ang hindi marunong dito?!"

"Ano?? Hindi ka pa marunong gumamit ng heels?? Sa tanda mong yan??" biglang dating ng mayabang na si Zem.

"And so?? Ang problema dun?? Hindi naman siguro ako mamamatay kapag hindi ako natutong gumamit nan."

"Hoy, hindi mo ba alam na dyan nakikita ang pagiging babae ng isang babae?"

"Hindi lahat. Kaya ako nagamit ng heels na yan dahil simple lang ako. And I believe that being simple is the beauty of one person. At pwede ba? Wala namang humihingi ng opinyon mo kaya lumayas-layas ka sa harapan ko!"

Sa sobrang tigas ng ulo ay hindi talaga umalis sa harapan ko. Pero nagulat nalang ako nung seryoso syang nakatingin sakin. Unti-unti syang nalapit sa mukha ko and he seems very serious. Nagalit ko ata sya masyado.

Dahil papalapit ng papalapit yung mukha nya sa mukha ko, napapaatras narin ako ng napapaatras hanggang sa mapasandal na ako sa upuan ko.

Napapikit ako ng wala sa oras kasi konti nalang at didikit na yung mukha namin sa isa't-isa...

"Sa sobrang kapal ng mukha mo, sa tingin mo ba hahalikan kita? Huh! At pwede rin ba? Wag na wag mo rin akong masigawan dahil hindi pa tapos yung isang buwan mong pagsisilbi sakin. Kaya ako sumangat sa usapan nyo ay dahil concern ako sa section natin at sa sarili ko. Ayoko namang lumaban nang tatanga-tanga yung partner ko. I'll help you..." sabi nya.

"No need.." mataray na sagot ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ako. Maliwanag ba?"

"No need nga diba? Hindi mo ba naiintindihan yung 'No Need'. Baka naman gusto mo pang tagalugin ko sa'yo.... Ang sabi ko... Hindi na kailangan... Gets mo?" ako

"Baka gusto mong gawin kong 2 buwan yung pagsisilbi mo?" seryosong tanong nya.

"Bahala ka sa buhay mo!"

Yun nalang ang nasabi ko... Baka nga maging 2 buwan ah...

"Ano bang balak mo pare?" CJ

"Tatawagan ko si Marie. Sya ang tutulong sa'yo." he said while dialing on his phone.

"Marie?! Yung asungot na babaeng pumunta dito kahapon?!" hindi makapaniwalang tanong ni Ella.

"Nag-meet na kayo?" ako

"Oo, napaka-antipatika nga nun eh. Puro panlalait ang ginagawa sa'yo kahapon." sumbong ni Ella.

That stupid witch! Napaka-backfighter nya!! Humanda sya sakin pag nakita ulit kami!

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now