DAY 21

811 28 0
                                    

                 Chapter 25

                   "Day 21"

Yumi's POV

"Ano ba naman Ella?! Para naman akong tanga nito eh!"

"Anong parang tanga? Ang cute mo nga eh. Proteksyon din para sa'yo. Para kung sakaling nay lumagpak ulit sa'yo, eh hindi ka masasaktan."

"Aissshh!!"

Nakakainis! Pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil dito sa suot kong helmet na kerokeropi ang design..... Nakakahiya....

Napakaprotective kasi nitong kasama ko eh. Bawat makasalubong namin tinititigan, para daw malaman nya kung may masamang balak samin...

(=_=) Ang weird diba??

"Sa pagkakaalam ko, ang helmet, ginagamit kapag nagmamaneho ka ng motor o di naman kaya ay race cars. Ano namang pakana mo yan?" pang-aasar ni Zem

"Hindi mo ba nakikita?? Ayan, design, okay?? Design!" pamimilosopo ko.

"Design?? Hindi man lang pumili ng pang-teenager. Bata ka pa ba at pambata ang design na ginagamit mo??" Zem

"Pwede ba wag ka ngang mang-asar?! Napipikon na ako sa'yo!!" sigaw ko.

"Ah actually Zem, hindi naman talaga yan design lang. Niloloko ka lang nya. Yan ay para sa proteksyon nya. Para incase na malaglagan ulit sya ng kung anong bagay, hindi maaapektuhan yung ulo nya..."

"Proteksyon?? Hindi na kailangan. Matigas ang ulo nan eh. Matagal na pating may sira ang ulo nan kaya hindi na kailangan pang protektahan. Haha...."

Patience.....patience..... Wag mo nalang pansinin yan kumag na yan.....May pinagdadaanan pa yan maya nya nagagawang pagtripan ka Yumi. Relax....and be patient....

"At least ako, nakakapag-isip pa ako ng tama kahit may sira ang ulo ko. Eh ikaw, stupido na nga, hindi pa makapag-isip ng matino!" sagot ko.

"Stupido at hindi matinong mag-isip, gwapo naman."

Nagku-kunwari akong nasusuka dahil dun sa sinabi ni Zem.... "

"Yanong kapal ng pagmumukha... Sarap hambalusin..." parinig ko.

He just smiled at me.... As if naman pating nakakatawa....

"Zem, diba may pa-party ka bukas?? Isasama mo ba si Yumi??" CJ

"Oo naman.... Si Ms.Cheap Napkins pa??" pang-aasar nya.

"Ako din ba??" biglang sangat ni Ella.

"Wag ka na. Bawal ang baluga..." CJ

"Sinong sinasasabihan mong baluga?!" Ella

"Ikaw. Sino pa ba??" CJ

"Anong sinabi mo?!" Ella

"Manahimik nga kayong dalawa! Ang ingay nyo! As if naman pati na sumama ako! I'm allergic to parties and crowd..." sabi ko.

"Ha?? Hindi ka sasama??" CJ

"Sayang ang opportunity Besh... Sumama ka na..." Ella

"As if I care.... Kayang-kaya ko namang mag-party mag-isa eh...."

"Baliw lang ang mga nagpaparty mag-isa... Kapag hindi ka sumama, kakaladkarin kita palabas ng dormitory nyo hanggang sa makarating tayo sa resort." Zem

"Anyenyenye...." ako.

Honestly, I really hate parties. So bakit pa ako magpapakapagod sa bagay na ayaw kong gawin?? Party is not my style....

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora