DAY 2

977 33 0
                                    

Chapter 6

"Day 2"

Yumi's POV

"Napakabwisit talaga nung lalaking yun!!!" (>^<)

"Oh kalma lang ha??..kalma...." Ella.

"Nakakainis kasi eh! Pinadugo nya pa yung ilong ko! Buti hindi napango!"

"Calm down beshie... Alam mo namang parte yun ng parusa mo."

"Alin? Ang masaktan?"

"Baka kasi kulang lang sya sa atensyon ng magulang o kaibigan. Kaya bumabawi sya sa'yo." Ella.

"Talagang sakin pa ha? Ang sabihin mo, gumaganti lang sya kasi napagkamalan ko syang snatcher kasi naman hawak nya yung bag ko. Malay ko bang sya pa ang kumuha nito sa tunay na snatcher..."

"O kitams?? Ikaw pa ang may atraso sa kanya eh. Kung hindi mo sya pinagbintangang snatcher, edi sana walang gulo ngayon. At be thankful sa kanya kasi kinuha nya yung walang kwenta mong bag dun sa snatcher."

"Kung maka-walang kwenta naman 'tong babaeng 'to. Porket mayaman lang sya at maraming laman yung bag nya eh..."

"Bakit? I'm just stating the fact. Kailan ba naging mahalaga yang bag mo? Eh wala namang kwenta yung mga laman nan. Walang ibang laman kundi ballpen na HBW, yung cellphone mong pipitsugin na 1100 at lalo na yung.... listahan ng mga utang mo."

"Pwede wag kang maingay? Baka may makarinig sa'yo..."

"O kita mo na? Kaya ayaw mong marinig nila kasi nga walang kwenta.... Teka nga muna, ano bang ginagawa natin dito sa room ng mga journalist? Eh hindi naman tayo member dito?"

"Nagtatago kasi ako..."

"Kanino??"

"Kanino pa? Edi dun sa Zem Montenegrong yun."

"What a great place to hide ha??" pang-aasar pa ni Ella.

Nagtatago kasi ako baka mautusan nanaman ako nung lalaking yun.... Nakakabad trip! (>.<)

Sana naman hindi nya ako makita dito...

"Trying to hide from me?"

"Ay bakla ka!"

Ano?! Paano nya ako nahanap dito?! Eh tagong-tago na 'tong lugar na 'to kasi tahimik eh! How did he find me?

"Sinong bakla? Hoy, pangalawang araw mo palang ngayon kaya wag kang tamad!" sabi nya.

"Ah ganun?? Wala ba man lang akong day-off??"

"Wala."

"Sige beshie, maiwan ko na kayo ha?? Baka kasi langgamin ka na dyan.." pang-aasar ni Ella sabay takbo paalis.

"Ibili mo ako ng tubig. Nauuhaw ako." utos nya.

"Tss..."

Umalis na ako at dumiretso ng canteen... Punyeta, kailan ba ako makakatakas sa lalaking yan?!

.....

Zem's POV

Here at the lobby. Waiting for my water to come.

Yanong tagal naman... Mamamatay na ako sa uhaw dito eh...

"KUYA ZEM!!" narinig kong sumigaw.

Thought so. Sya nga, wala nang iba.Si Marie... But what is she doing here? Diba sa girls' school 'to napasok?

"Anong ginagawa mo dito?"

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now