DAY 25

764 24 1
                                    

                Chapter 29

                  "Day 25"

Yumi's POV

Ahh...Nakakaloka! Ang sakit sa mata nung araw! Nasisilaw ako!!

"Yah! Yumi!"

Narinig kong ginigising ako ni Ella habang inuuga nya yung katawan ko...

"Ano ba Ella?!" reklamo ko.

"Gumising ka na dyan! May package para sa'yo!!" sabi nya.

"Ha??!" napabangon naman ako ng wala sa oras...

"May nagdala kasi dito nung box na maliit. Delivery boy daw sya galing sa...... Ano ngang pangalan nung shop na yun??.... Ah basta! Dress Shop."

"Dress Shop? Kailan pa ako umorder ng damit?" pagtataka ko.

"Ewan ko. Tingnan mo nalang. Ako na din yung pumerma, katunayang natanggap mo na." Ella

Kinuha ko agad yung kahon na nakapatong sa table ko.... Pagbukas ko, I saw a long gown na color white at may designs na black.

Tuwang-tuwa naman ako nung makita ko yung gown. Parang gusto ko na ngang mabaliw sa saya eh. Ang ganda kasi eh.

"Ang ganda nya talaga...." sabi ko.

"Ah Yumi.... Napaaga naman ata ang JS Prom nyo.... Ano palang ngayon? Hindi pa nga natatapos ang taon." Ella

"Tangi! Para sa party 'to."

"Para ano? Gawin kang date nya? Naku, kabisado ko na yan sa mga teleseryeng napapanood ko----"

"At kabisado ko na rin yang nasa utak mo! Para lang sa kaalaman mo ha? Hindi ko naman talaga gustong pumunta, napilitan lang ako kapalit nung binili nyang cellphone para sakin."

"Cellphone?? Binilhan ka nya?"

"Oo, eto nga oh..."

Kinuha ko sa drawer ko yung cellphone na binigay ni Zem at ipinakita kay Ella.

"Wow! Hanep....Natalo mo pa yung cellphone ko.... Iba talaga ang tama sa'yo ni Zem. Naku Yumi, bihira na ang mga ganyang lalaki, kaya i-grab mo na yung opportunity. Baka mawala pa yan sa'yo. Binili nya talaga 'to??"

"Oo nga! Sa tingin mo ba makakabili ako ng ganyan ka-mahal? Saan naman pati ako kukuha ng pera."

"Sabagay.... Pureza ka nga pala."

"Maka-pureza itong babaeng 'to.... Porket mayaman eh..."

Ano kayang itsura ko pag sinuot ko 'to?? Baka naman hindi 'to bumagay sakin...

......

"Yumi, san ba talaga yung partyng pupuntahan mo? Baka naman gusto mo saking i-share." pangungulit ni Ella.

"Hindi nga pwede.... Utos ni bakulaw yun. Tsaka ko nalang sasabihin sa'yo pag pwede na."

"Kailan pa yun?"

"Pag naging kayo na ng lalaking pinapangarap mo." sagot ko.

"Imposible."

"Pwede naman ah. Lahat ng bagay pwedeng mangyari, walang imposible kung gusto mo talaga. Nagawa mo ngang umamin kahapon.... Napabilib mo ako ha?"

"Shut up! Ayoko nang maalala pa yun! Nakakahiya..."

"Nahiya ka pa ng lagay na yun??"

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon