DAY 24

806 27 0
                                    

                  Chapter 28

                    "Day 24"

Yumi's POV

Maraming kamalasan ang dumating sakin nung mga nakaraang araw....

Nawala yung cellphone ko. Na-kidnapp ako. At ngayon, medyo nangitim ako dahil sa pagpunta namin sa dagat kahapon.... Ang saya diba?? Kung hindi ka ba naman masura....

"Aaahhh....Wawa naman si Yumi. Kamuntik nang magka-sunburn." pang-aasar ni Ella

"Hoy, nangitim lang ako pero hindi ako nagkasunburn!" sagot ko.

"Nangitim ka ba?"

"Konti lang!"

"Okay chilax....Tinatanong lang naman kita eh. Uy Yumi....swerte mo ha? Crush ka ng ex-crush ko. Nahalikan ka pa sa cheeks mo. Pasalamat ka't ex ko na yun. Kundi talagang magagalit ako sa'yo. Pero hindi naman siguro ako dapat magalit sa'yo kasi....alam ko namang nagsinungaling ka kahapon sa spin the bottle natin."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam naman nating dalawa na si Zem talaga ang first crush mo diba?"

"Pano naman mangyayari yun?"

"Na-love at first sight ka pa nga sa kanya diba? Nung naglalaro sya ng soccer, nung nakatambay sya sa may lobby. Diba?"

"Ewan ko sa'yo."

"Uyyy....ayaw aminin." pambubuyo ni Ella

"Bakit ako aamin kung wala naman talaga akong aaminin?"

"Sus, meron yan....Sinungaling ka lang...." Ella

"Wow...Parang ako lang yung nagsinungaling ha? Eh ikaw nga, nung tinanong ka kung sinong pinakang-gwapo sa dorm natin, si Zem ang sinagot mo."

"Bakit? Si Zem naman talaga ah..."

"Eh sus... Ang sabihin mo, ayaw mo lang isagot si Sunbae kasi ayaw mong malaman nya na may gusto ka sa kanya. Baka kasi hindi nya matanggap. Wawa ka naman...." pang-aapi ko.

"Hindi ah! Kahit ngayon sasabihin ko na sa kanya yung totoong nararamdaman ko!" matapang na sagot nya

"Weh? Talaga? Patunayan mo nga..."

"Hmmp!" tumayo na sya ng dalian at lumabas ng room kasi nasa labas si Sunbae.

Sinundan ko naman sya para malaman kung seryoso nga sya sa sinabi nya....

.....

Sinundan ko sya ng sinundan hanggang sa mapansin kong papadaan si Sunbae sa harapan nya...

Sa bilis nyang maglakad, nalampasan nya si Ella.... Hindi naman nagsalita ang baliw... (=_=)

Sabi ko na nga ba hindi yan aamin eh.... Sa dami ba naman ng tao sa paligid, ewan ko lang kung hindi yan mahiya...

"JJJJJJJJEEEEEEENNNNNOOOOOOO!!!!!!!" sigaw ni Ella

Nagulat ako at lahat ng tao sa paligid at napatingin sa kanya. Napatigil din sa paglalakad si Sunbae at lumingon sya kay Ella.

"Naku po....Tinawag nya ng Jeno si Sunbae...Patay sya ngayon..."

Kitang-kita sa mata ni Sunbae ang galit dahil sa hindi paggalang ni Ella sa kanya....

Pero nakatingin lang sya at hinihintay na magsalita si Ella.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now