DAY 22

972 37 0
                                    

                  Chapter 26

                    "Day 22"

Zem's POV

Ah grabe....Anong bang naisipan ko at nagpa-party ako?? Sa beach pa ha?? Ano nanaman bang balak kong patunayan ngayon??

Ang gusto ko lang naman maging akin si Yumi ngayon eh... Pero bakit ko inimbitahan ang lahat?? Hayy....Lumaki pa tuloy yung gastos ko....

Ang tanga mo talaga Zem... Hindi ka muna nag-isip....

Di bale na... Nandito na eh. May magagawa pa ba ako??

"Zem, handa ka na ba??" tanong ni CJ

"Oo, mauna ka na..."

"Bilisan mo, tayo nalang ang hinihintay dun."

"Ang kapal ng mukha mong utusan ako ah... Pakialam ko ba kung mahuli ako, ako naman ang gagastos sa inyo ah..." reklamo ko.

"Oo na....Bahala ka na. Bagalan mo na kung gusto mo." CJ

Tss.... Hindi talaga ako sanay ng inuutusan ako...

Habang naglalakad ako palabas ng dorm, biglang nag-vibrate yung phone ko...

Yun pala, may nag-text....

Kaso...unknown number.... Ang nakalagay....'Miss me?'

"Eh gago pala 'to eh.... Anong miss me-miss me?! Eh hindi nga kita kilala eh. Ang dami talagang stalker sa mundo ano? Napaka-aassuming pa... 'Miss me'? Miss-missin mo yung mukha mo! Maitapon na nga 'tong sim na 'to!"

Tinanggal ko yung sim ko sa cellphone ko at initsa sa basurahan...

"Tingnan ko lang kung maka-text pa kayo..."

Nag-diretso na ako sa labas hanggang sa makita ko ang buong dorm members....

Lahat halos ng mga taga-ibang dorm ay naiinggit dahil patuloy silang mag-aaral habang kami ay nagpapakasaya sa aming two days vacation...

Nakita ko naman si Jeno na simpleng naka-shorts at t-shirt. Hindi na ako nagtaka kasi kahit kailan, hindi naman nag-sando or nag-sleeveless yan...

"Jeno! Ah este....Sunbae, mabuti naman at pumayag ka.... Alam ko namang gusto mo ring pumunta ng beach diba? Tama ako diba?" pang-aasar ko kasi nung pina-plano palang namin 'to, sya yung todo-tanggi.

"Pumayag lang naman ako kasi halos lahat kayo, gusto. Alangan namang pigilan ko ang kasayahan nyo? And as you dorm leader, kailangan ko parin kayong bantayan. Malas ko nga eh dahil hindi man lang naging responsable ang mga alaga ko." sabi nya.

"Hayaan mo na....Malay mo, makakilala ka pa ng chix...  Nang makaranas ka man lang magka-girlfriend." pagmamayabang ko kasi ni isang ex ay hindi pa sya nagkakameron.

"Baka gusto mong itikom yang bibig mo kahit ngayon lang? Hindi ako sasama para mag-enjoy o maghanap ng malalanding babae. I'll join, to keep an eye on all of you....especially sa'yo." Jeno

Ang hirap talagang makipag-usap sa lalaking 'to.... He's pissing me off...

"Nandito na kami!!"

Sumigaw bigla si Ella kaya napatingin ako sa direksyon nila...

Then I saw Yumi, wearing a skirt, a fit sleeveless shirt and fliplops... At nakalugay pa yung buhok nya habang may naka-suot na malaking sumbrero....

She looks simple and attractive... Ang simple nya kumpara dun sa ibang babae sa tabi-tabi...

Lumapit naman bigla sakin si CJ at tinitigan ng maigi yung mukha ko habang nakatulala...

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now