DAY 30

814 22 0
                                    

                  Chapter 34

                    "Day 30"

The Wedding Day......

Yumi's POV

Gaya ng inaasahan ko, kumalat na nga sa buong school ang tungkol samin ni Zem. Yung iba nagulat at nanghinayang....Pero yung iba.... Darn it! Masaya pa...

Sa ngayon, ang lagi ko nang nakakasama ay si Tristhan....

Nabalitaan ko na din na ngayon ang araw ng kasal.... Kaya lalo akong nanlumo at para akong nalugi sa negosyo...

All I am doing now is to forget about everything single thing that happened before, especially now.

Pero ang tanong.... Kaya ko bang gawin yun??

Tristhan look at me......

"Are you okay?" he asked me

"H-ha?? Oo, okay lang ako...." I lied

"Sure ka??" paninigurado nya

"Oo. Wala ka nang dapat pang ipag-alala."

He just nodded and smile at me. But he's face is telling me to fight.

"Don't worry, everything will be fine." he said as he tapped my head

Tumango nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa classroom.....

Habang naglalakad kami, biglang may humawak sa braso ko at hinigit ako papalayo kay Tristhan...

Pag lingon ko, isang di ko inaasahang tao ang nakita ko.

None other than.....

.....Ang bruhang si Marie.

Kumalag ako sa pagkakahawak nya sakin while giving him an irritating face.

"Ano bang kailangan mo?" iritang tanong ko sa kanya dahil wala akong panahon para makipag-usap sa kanya.

"I need to talk to you." sagot nya

"Tungkol nanaman san? Kung tungkol lang yan sa kabaliwan mo kay......kay Z-Zem... Wala akong panahon para makinig sa'yo."

"Makinig ka!" sigaw nya habang hawak nya ng mahigpit yung tigkabilang braso ko. "Mahalaga 'tong sasabihin ko kaya makinig ka!"

Natameme naman ako sa pagkakasigaw nya sakin kaya nakinig nalang ako.

"Handa akong kalimutan ang pag-tingin ko kay Zem.... Handa akong magpaubaya----"

"Wow....makapagpaubaya ka naman, para namang may pagtingin din sya sa'yo." pang-aasar ko

"Just shut up your damn mouth and listen to me carefully!!" This time, nagalit na talaga sya sakin.

"Wala akong oras para makipagtalo pa sa'yo. Ang gusto ko lang ay..... ipaglaban mo si Zem!"

Nagulat ako ng sobra sa sinabi nya. Parang hindi sya yung Marieng nakilala ko.... Kakaiba sya ngayon. Napakaseryoso nya sa mga sinasabi nya....

But therefore, I really have to ignore her at ayoko nang pakialaman pa si Zem.

"Wala na akong pakialam sa kanya.... May kanya-kanya na kaming buhay...." sabi ko sabay talikod sa kanya at naglakad palayo

"Hahayaan mo nalang ba syang maging masaya sa piling ng kaisa-isang bestfriend mo?!" sigaw nya sakin

Her words had stop me from walking away from her....

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon