FIRST DAY OF SCHOOL

1.7K 46 1
                                    

Chapter 2
"First Day of School"

YUMI'S POV

Mabilis na lumipas ang araw. Kinabukasan ay pasukan na. Bagamat ayaw ko pa ay wala naman akong magagawa. Kahit lumipas ang magdamag, hindi parin mawala-wala sa isip ko yung nangyari kahapon.

Nakakahiya, promise.

"This is it bestfriend! A start of new life for you..." Masayang sabi sakin ng bestfriend kong si Ella nang bumungad samin ang ubod ng laking gate ng bagong school na papasukan namin.

"Whatever. Pero parang mas trip ko talaga sa public school eh." Walang gana kong sagot.

"Tss.... Ano ka ba beshie? Masaya sa private. Walang gulo, masaya at responsable ang mga tao."

"Oo at talagang dinamay mo pa ako sa pagpasok dito?"

"Beshie, alam mo namang pinilit lang din ako ni Daddy dito eh. Ayoko namang mawalay sa'yo..."

"Napilitan ka pa nang lagay na yan??"

"Medyo, pero don't worry beshie. Ako ang bahala sa mga gastusin mo dito. Sabi na din naman ni Daddy eh."

"Eessshhh...."

Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na eh. Alangan namang tanggihan ko si Tito?

By the way, nalimutan kong magpakilala sa inyo...

My name is Lauren Mayumi Alvarez, Yumi for short. Galing sa mahirap na pamilya. Tumitira ako kina Ella. Her parents treat me like their own daughter kasi sabi ko nga, ulila ako. In fact, I am a senior student now. Means, last level on high school. Kung kailan fourth year na tsaka pa naisipang lumipat ng eskwelahan. Hay...finally, I will graduate soon.

"Tara na beshie..." Inaya ako ni Ella papasok ng campus.

And this is my ultimate bestfriend since elementary. Her name is Ellyza Lalein Villaruel, Ella for short. Isang babaeng napakakulit pero very supportive. She came from a rich family. Mahal na mahal ko yan kahit ganyan ang ugali nan.

Sa ngayon, nag-aaral kami sa isang sikat na university named, Montenegro University. With dorms and two people will shared on it. Bawal ang opposite sex. Matino diba? Okay na din naman dito. Hindi na kailangan pang umuwi kasi nandito na yung dorm sa tapat lang ng school.

Sa pagpasok namin sa loob, agad naming hinanap ang room na nakatala para sa section namin. Dahil sa matalino kami, napapunta kami sa highest section. Hindi na ako nagtaka...

"Ella, san ba yung room natin? Parang ang layo naman..." pagrereklamo ko dahil pagod na ako nang kalalakad sa malawak na eskwelahang ito.

"Don't worry besh... Malapit na tayo." sabi nya.

"Haissshhh...."

Habang naglalakad kami, nabaling ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa may lobby. Tahimik na natutulog habang nakikinig ng music. Mukha itong anghel sa sobrang amo ng mukha. His hair is blonde na medyo nakatirik...

Ano kayang pangalan nya??

"Hoy Besh! Halika na!" Nagising ang diwa ko nang bigla akong tawagin ni Ella na malayo na pala ang kinaroroonan.

"Ha?? Oo, andyan na!"

Ano ba yan?? Na-distract ako dun sa lalaking yun. But I really wanna meet him. Seriously, he's really handsome.

Pumasok na kami sa loob ng room namin. Nakakamangha ang lawak ng silid na ito na halos doble na ng silid namin sa dati naming school. Yun nga lang, puro kakirihan ang nangyayari sa room. Mga nagsusuklay, nagma-make up at iba pa. Tss...just as I thought.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon