THE DEAL AND THE PUNISHMENT

1K 34 0
                                    

                  Chapter 4

   "The Deal and The Punishment"

Yumi's POV

"Zem Adrian Montenegro ang buong pangalan nya.... Sya ang anak ng may-ari nang eskwelahang 'to." sabi nung dorm leader namin.

"PO??!!"

"Yes, and that means we need to do whatever he says." guidance counselor.

Kaya pala hindi sya masyadong pinapagalitan ni Sunbae...

"That's right. And I want you to give her a deserving punishment." Zem

"Sige, tatanggapin ko nang matapos na 'to! Anong parusa ang ibibigay nyo sakin?" matapang na sabi ko.

"Ano bang gusto mong ibigay na parusa?"

"Dahil sa ininsulto mo ako kanina, I'm giving you the biggest punishment...." Zem

Napapalunok na ako ng laway sa sobrang kaba...

"I want you.....to......."

Ang bilis ng tibok ng puso ko.... For sure mahirap yun... Grabe kasi 'tong lalaking 'to eh.

"To??" tanong ko.

"I want you to be my servant for 1 month, starting tomorrow."

"ANO??!!" pagrereklamo ko.

"May angal ka? Sige, wag mong gawin, but you will leave this school as soon as possible." panakot nya.

"Wala bang ibang parusa?" paninigurado ko.

Pwede naman akong tumanggi. I can also leave this stupid school easily nang walang pangangamba. Pero ang inaalala ko ay si Ella.... Malamang susunod nanaman yun sakin. Hanggang sa mapagalitan nanaman sya ng daddy nya.

"So ano? Deal or no Deal?".. Zem

.....

(Dorm)

"Hay naku!!! Ella!! Gusto ko na talagang lumayas sa school na 'to!!"

"Bakit ba? Ano bang nangyari??" tanong nya.

"Diba nga na-guidance ako dahil dun sa gagong bwisit na lalaking yun!?"

"Oh tapos?"

"Ako pa yung naparusahan ha?? Samantalang hindi ko naman kasalanan yung nangyari! Kung tutuusin nga dapat sya ang pinarusahan eh! Hindi ako!"

"So what's your punishment?"

"To be his servant for 1 month." matamlay na sabi ko.

"HUWAT??!! Servant as in Katulong? Julalay?"

"Tama ka..."

"AAAAYYYIIIEEE!!!"

"Mukhang masaya ka pa?"

"This is it beshie.... Chance mo na 'to para mahalin ka ng taong pinakamamahal mo..." sabi nya with excitement and kilig

"Anong chance ang pinagsasasabi mo?! Hindi mo ba alam na simula bukas, magiging alalay na nya ako. Which means, simula bukas, magiging impyerno na ang buhay ko."

"Carry mo yan Beshie.... Just believe in yourself. Sooner or later, mapapasa'yo na si Zem."

"Ulul! Kahit kailan hindi ko pinlano yun!"

"Okay....sabi mo eh. Susuportahan nalang kita."

"Salamat."

Hay naku....Good luck nalang sakin bukas... Lord! Habaan nyo pa po sana yun pasensya ko para pag naisipan kung patayin yung gagong yun ay hindi ko na matutuloy....

Amen.

.....

Zem's POV

"Kumusta pare? May nangyari na ba sa binalak mo?"

"Meron syempre. Tagumpay nga eh. Nakaganti din ako sa wakas."

"What do you mean 'nakaganti din sa wakas'?? Eh nakailang ganti ka na ba dun? Nung una, nung natulala sya sa'yo.Pangalawa, yung binato mo ng papel habang nagkla-klase. Pangatlo, hinara mo yung bote sa dadaanan nya kaya sya nadulas at natapon sa'yo yung binili nyang pagkain. At ang kahulihan, binigyan mo pa ng parusa....Ano nga pala yung parusang binigay mo?" CJ

"To be my servant for 1 month."

"Ha?? Ginawa mo yun?? Langya ka pare, yung cute na babaeng yun, ginawa mong alalay mo?? Tsk...tsk....di ka na naawa."

"Ganun talaga... Handsome prince doesn't have mercies.... Lalo na kung ang mga babaeng kagaya nya ang aalilain mo. Pustahan tayo pare, maiinlove yan sakin."

"Huweh? Sa tingin ko hindi.... Iba ang dating nung babaeng yun eh."

"What if I could?"

"Sige, let's just have a deal. If you can make her fall within one month, I will do whatever you say." hamon ni CJ.

"Sige, one month? Deal!"

"But if you didn't make it, ibibigay mo na sakin yung kababata mong si Marie."

"Si Marie? Yun ay kung papayag sya...."

"Kaya nga nandyan ka diba? Ikaw ang magsisilbing kupido namin."

"Gagu! Ginawa mo pa akong bakla na may hawak na pana??"

"Sige na pare. Pag natalo ka lang naman eh. Pero pag nanalo ka, I'll will give you anything you want. Okay ba?"

"Sige...One month ha?"

"Oo. You have 30 days to make her fall for you...."

*evil smile*

Mukhang challenging yun ah.... Humanda ka sakin CJ. I'll make sure that she's gonna fall inlove with me....

.....LATER.....

Short stories in some chapters.... Pasensya na, tinatantiya ko lang eh... But the first day will start to the next chapter. So look forward to it.

Thank you nga pala sa nag-comment sa storing 'to. Thanks Heybii!! Saranghae!!

              ***Serin Oh***

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя