DAY 15

774 26 0
                                    

                 Chapter 19

                   "Day 15"

Yumi's POV

"Tama na ang kapupunit ng pages ng notebook mo Besh... Mauubos yan..." Ella

"Ano naman? Nandyan ka naman diba? Ibibili mo naman ako ng bago." sagot ko.

"Hala... Mapera ako?? Bakit mo ba kasi pinupunit yan?? Napapangitan ka ba sa quality nung papel?? Ibibili nalang kita ng Sterling kung gusto mo."

"Sure... Pupunitin ko nalang pala lahat ng notebook ko para puro Sterling na ang notebook ko... Pero hindi yun yung dahilan ko..."

"Eh ano??"

"My fake lover."

"Ano nanamang nangyari sa inyong dalawa??"

"Hindi mo ba alam na kahapon, kaya ako nagsusuka at sumama ang pakiramdam ko dahil pinakain nya ako ng italian food na puro suka!"

"Ows? Kaya pala ang asim mo."

"Gusto mong mabatukan?!"

"Joke lang. O, ano bang balak mo? Gaganti ka nanaman?"

"Tumpak! And I need your help. Mag-isip ka ng paraan para makaganti ako sa kanya."

"Besh... Alam mo namang hindi ako expert dyan eh...At alam mo, makakatulong lang ako kung gamit lang ang computer."

"Ahhh....better idea. Malinaw yung pagkakasabi mo ha?? Ganito.... I want you to search every single details about him."

"Such as??"

"Yung mga bagay na kinakatakutan nya... In other words, phobia."

"Okay. Tara sa wi-fi station. Titingnan ko yung lahat ng account nya."

"Game ako dyan..."

Excited na akong gumanti!! (>___<)

Hahahahahahah!!!!! (Evil Laugh)

.....

Wi-fi Station...

Mahigit isang oras na kaming naghahagilap ng accounts ni Zem pero hanggang ngayon, wala parin kaming nalalaman, ni isang impormasyon o bagay na kinakatakutan nya....

This guy is so mysterious....

"Besh.... Wala talaga eh.... Ano nang gagawin natin?" sabi ni Ella habang nakaharap parin sa laptop nya.

"Hindi tayo titigil hangga't wala tayong nakukuhang impormasyon tungkol sa kanya. Meron naman sigurong kinakatakutan yan..."

"Ha?! Eh wala nga eh. Kanina pa tayo hanap ng hanap, pero may nahanap ba tayo? Wala diba? Baka naman wala talaga syang kinakatakutan."

"Alam mo, lahat ng tao may phobia o may kinakatakutan. Abnormal lang ang wala. Kaya maghanap ka na dyan." pagtataray ko.

"Hay naku Besh.... Pahirap ka talaga." she sighed

"Dali na... Bestfriend mo naman ako eh. Wag kang mag-alala, tutulungan kita kay Sunbae."

"Talaga??" masayang tanong nya.

"Oo. Basta gawin mo nalang yung pinapagawa ko sa'yo." pang-uuto ko.

"Ge!"

Mga baliw nga naman... Gagawin ang lahat para sa mahal nila....

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora