DAY 17

785 29 0
                                    

                 Chapter 21

                   "Day 17"

Zem's POV

Dahil sa nangyari kahapon, inutusan ko yung janitor at ibang taga-linis na tanggalin ang lahat ng gagamba sa loob ng eskwelahan.

I don't want to see any pest in ny school....

"Ahahahahahahahah!!!.... Nagawa kang takutin ni Yumi gamit lang ang gagamba??" pang-aasar ni CJ

"Eh ano naman ngayon sa'yo??"

"Wala, hindi lang talaga ako makapaniwala na takot ka sa gagamba....Haha..."

"Alam mo isa pang tawa mo, susuntukin na talaga kita!"

Tahimik naman ang gago...

"O anong plano mo ngayon?" CJ

"Ako na ang bahala dun."

......

PE Class...

Yumi's POV

Hay naku... PE nanaman ngayon... I hate it. Hindi man lang namin pinag-aaralan yung favorite kong Badminton. Palagi nalang Soccer. Palibhasa, paborito nung matapobreng may-ari ng eskwelahang ito...

Teka, speaking of demonyong hudas, nasaan na nga pala yun??

Nakakapagtaka, ang inaashan ko, may gagawin nanaman syang masama dahil sa ginawa ko kahapon. Pero bakit parang wala lang??

Wala siguro syang maisip na ipangganti... Haha... Masasabi ko talagang mas gago ako sa kanya...

"Uy guys, pinapatawag na tayo ni Sir. Tara na sa labas..." sabi nung isa naming kaklase.

Agad?? Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng PE Uniform ko...

Haisshh... Ang bilis naman nila...

Habang kinukuha ko sa locker ko yung PE Uniform ko, I heard some footsteps outside....

Sinilip-silip ko kung sino yun.... Pero laking gulat ko nang makita ko yung taong iniisip ko kanina...

What is he doing here??

"Anong ginagawa mo dito?! Bawal ang lalaki dito ah! Locker 'to ng mga babae! Baka gusto mong isumbong kita sa guidance or sa principal?!" panakot ko sa kanya.

He just smirked at me and say.... "Para naman matatakot ako."

Ay sya nga... Paano nga pala sya matatakot, eh sya naman ang may-ari nitong university... Ang tanga mo talaga Yumi...

"Pero kahit na! Bawal ka parin dito kaya lumabas ka na!"

Hindi nya ako pinansin at talagang lumapit pa sakin...

"Ang galing nung ginawa mo kahapon ha?? Pinabilib mo ako. Alam mo bang ikaw lang ang tanging matapang na nakagawa nun sakin?"

"Syempre! Hindi naman naman ako katulad ng iba na duduwag-duwag sa'yo."  sagot ko.

"Oo nga... Pero hindi naman ako papayag nang ganun-ganunin mo nalang ako. Syempre hindi naman ako tanga para hindi gumanti."

Natakot na ako nang mga oras na yun... Baka kasi kung anung gawin nya sakin. Baka ipa-rape o ipabugbog ako nan paglabas ko.

"O-o sige! Gawin mo na kung anong gusto mong gawin! Basta siguraduhin mo lang na matatakot ako nang sobra o mas nakakatakot kesa ginawa ko yung gagawin mo ngayon... Ha?? Ha??"

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now