DAY 27

855 23 0
                                    

                  Chapter 31

                    "Day 27"

Yumi's POV

A good day for everyone to start their day. The sun shines everywhere.......

Pero kung maganda ang umaga ng iba, sakin, hindi!! Nate-tense ako sa buhay ko ngayon.... Malamang marami na talagang magagalit sakin ngayon....

I face-palmed at kasalukuyang namro-mroblema sa takbo ng buhay ko. Knowing that Zem and I are now officially a couple. Even though hindi naman ako um-oo, para sa kanya, kami na talaga.

"Teka nga, bakit ko ba pro-problemahin yun? Eh hindi naman ako pumayag, so wala talaga. Hindi talaga kami." sabi ko sa sarili ko.

Wala akong mahi-hingian ng tulong ngayon.... Iniwanan na ako ni Ella. Ang agap nyang pumasok ngayon..... Sa tingin ko talaga may problema sya. Hindi nya lang sinasabi sakin. What the hell?! Hindi nya ba ako kaibigan?!

Nakakapang-tampo sya..... *pout*

......

Ingat na ingat ako sa paglalakad ko. Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, lingon sa likod at lingon sa harap. Naninigurado kasi akong walang susugod sakin para patayin o saktan ako.

Sa tabi lang ako nadaan kasi paniguradong mapapansin nila ako pag sa gitna ako dumaan.

"Yumi."

"Aahh!" konting sigaw ko.

Sa inakala kong wala nang makakapansin sakin, eto nagkamali ako. Napansin parin ako ni Tristhan kahit na sa may hallway na ako dumaan.

"Tristhan naman eh!"

"Bakit ba parang gulat na gulat ka? May tinataguan ka ba?" tanong nya

Umayos naman ako ng tayo ko para magmukhang hindi nga.

"Ako? Nagtatago? Hindi ah. At kanino naman kung nagkataon?"

"Ahh....sa kanila?" tanong nya habang nakaturo sa likod namin.

Pag lingon ko, nakita ko ang mahigit 25 na babaeng humahabol sakin.....

Nanlaki yung mata ko at dali-dali akong tumakbo. Sumunod naman sakin si Tristhan. Wala kaming alam na lugar na mapapagtaguan kaya patuloy lang kami sa pagtakbo.

"HOY!! BUMALIK KA DITO!!!"

"PAPATAYIN KA NAMIN!!!!''

Sigaw ng karamihan.

"KYYYAAAAHHHHH!!!!" sigaw ko kasi naaabutan na nila ako.

Suddenly, nakakita naman kami ni Tristhan ng isang pader na pwedeng pagtaguan kaya nagpunta agad kami dun.

Habol-habol namin yung hininga namin sa sobrang pagod. Halos hindi na nga kami makapagsalita.

"Anong bang meron at hinahabol ka ng mga yun?" Tristhan

"Ewan ko ba! Dahil siguro sa----........Sa...." hindi matuloy-tuloy na sabi ko

"Sa??" tanong ni Tristhan

"Nevermind. Ang mahalaga, wala na yung mga humahabol sakin." sabi ko.

Sa di-inaasahang pagkakataon, habang tinatanaw namin yung mga babaeng naghahanap sakin, biglang may sumulpot na bakulaw sa harapan namin.

"Nandito ka lang pala."

"Bakit ka nandito?!" tanong ko sa kanya

"I just want to inform you na alam na ng buong campus ang tungkol satin..... Teka, bakit kasama mo 'to?" Zem pointing at Tristhan

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now