DAY 28

774 25 0
                                    

                 Chapter 31

                   "Day 28"

Zem's POV

"Haha....CJ! Talo ka na!"

"Talaga bang kayo na??" hindi makapaniwalang tanong ni CJ

"Kami na nga.... So pano? Goodbye ka na sa pangarap mo na makuha si Marie??"

"Ahuhuhuhu..... Zem, tulungan mo parin ako kay Marie... Promise,gagawin ko talaga lahat ng sasabihin mo."

"Gago! Talaga namang gagawin mo lahat ng sasabihin ko dahil parte yun ng pustahan natin."

"Oo nga pala, teka, ano nga palang ipapagawa mo?"

*evil smile*

.......

Yumi's POV

I'm sitting on a bench alone. Hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip na nag-iisa na ako.... Nami-miss ko na ang bestfriend ko!!!!!!! (T0T)

Habang nakaupo ako, nakahalumbaba at naghihintay na may lumagpak na ipot sa ulo ko, biglang may humigit sakin at hinila ako palabas ng campus.

"Oy bakulaw! Saan mo nanaman ako dadalhin??"

Kaso....may narinig nanaman akong mga bulung-bulungan sa paligid... Mga malalanding insecure! Napatakip nalang ako ng mukha ko.

"Wag mo silang pansinin. Nabalitaan kong wala na daw dito yung bestfriend mo. Kaya pala ganun ang mukha mo."

"O eh ano naman ngayon sa'yo?" mataray na tanong ko

"Lalabas tayo." sabi nya

"Ha?? Nanaman?? Hindi ka na nanawa?....at Hoy! Maawa ka naman sa grades ko, pababa na nang pababa nang dahil sa kahihigit mo sakin palabas!"

"So? As if I care."

Ano daw?! As if he cares?! Eh kung patayin ko na kaya 'to!?

......

Mahigit 3 kilometro din ang nalakad namin bago kami makarating sa pupuntahan namin. Halos manakit na nga yung binti ko sa sobrang layo! Ni hindi man lang nagdala ng kotse o kahit anong sasakyan!

Nanlaki yung mata ko nung makita yung hotel na nasa harapan namin.

Napatingin naman ako sa kanya na kasalukuyang nakangiti ng malawak at abot hanggang sa mata nya.

"Anong binabalak mo?" tanong ko sa kanya

"Ano pa ba sa tingin mo?"

Napatakip naman ako sa katawan ko at tinakluban yung mga mahahalagang parte ng katawan ng isang babae.

"Manyakis ka! Akalarvr mo ba porket tayo na ay hahayaan kitang gawin yung binabalak mo?!" sigaw ko sa kanya

Napapitik naman nya yung noo ko.....

"Aray! What was that for?!" I angrily asked

"Ang dumi ng utak mo. Porket dinala lang kita sa hotel, iisipin mo makikipag-sex na agad ako sa'yo? Hindi ako ganung klase ng lalaki at para lang malaman mo, hindi kamanyak-manyak yang katawan mo. Naisip ko lang kasi na dalhin ka dito para matikman mo yung mga masasarap na pagkain dito. At para narin malaman mo kung ano talaga ang mga pagkaing mayayaman. Ha?" paliwanag nya

"Aisshhh! Ang yabang mo talaga!"

I crossed my arms at nagsalubong yung dalawang kilay ko.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now