DAY 13

739 24 0
                                    

                Chapter 17

                  "Day 13"

Yumi's POV

A stupid morning to all of you.... Tinatamad akong pumasok...

As usual, masanay na kayo. Kailan ba kasi ako ginanahan sa pag-aaral??

Eh puro impyerno ang nararanasan ko sa pag-aaral. Hindi naman kasi ganun ka-laki ang capacity ng utak ko para tandaan lahat ng aralin or lessons...

Moving on, tinatamad talaga ako. Pwede bang wag muna akong pumasok ngayon??

(=_=)

Kaso...kung hindi naman ako papasok, malamang puntahan ako ni Sunbae dito. Hindi kasi yun maniniwala hangga't walang pruweba yung sinasabi mo. Eh paano pala kung sabihin kong may sakit ako, edi pupuntahan nya pa ako dito hanggang sa mapagalitan lang ako. Sunbae hates liars...

Hay bahala na nga. Papasok na ako. Tutulog nalang ako sa klase...

.....

(ClassRoom)

I'm so bored today.... (>3<)

Wala na akong ibang ginawa kundi pukpukin 'tong desk ko at ngatain yung kuko ko.

Nakakalokong buhay 'to ah...

"Yumi....wag ka namang ganyan. Alam kong hiyang-hiya ka pa dun sa nangyari kahapon. Just forget about it. Magpakasaya ka nalang tutal tapos na ang problema mo sa pageant at kay Zem...so Cheer up! Don't be sad..." pagco-comfort ni Ella

"Tingin mo ba dapat akong maging masaya ngayon??"

"Uhm...Oo??" hindi siguradong sagot ni Ella.

"Haissshhh!! I hate my life!"

(Suddenly, the wind blows very hard...)

Habang nakahalumbaba ako at hindi maintindihan ang mukha ko, somebody tap my desk kaya nagulat ako.

Dumating nanaman ang bwisit sa buhay ko....

Nung tumingin ako sa taas, in other words, direct sa mukha nya... Nagsalubong agad yung kilay ko.

"Ano nanamang pangungulit ang gagawin mo sakin ngayon?!"

"Kailan ka magsisimula?" tanong nya.

"As if... Teka, tapos na yung pustahan natin diba? Kaya hindi mo na dapat ako kinukulit...."

"May I remind you na natalo ka sa pageant at ayaw ko ng mga hindi tumutupad sa usapan."

"Bakit? Natalo ka din naman diba?!"

"Kung hindi ka nagpatalo, edi sana hindi din ako natalo. Bobo.... At for your information, hindi tungkol sakin yung pustahan, kundi sa'yo."

"Pustahan? Anong pustahan?" sangat ni Ella.

"Ang usapan natin, kapag nanalo ka, I can let you free from being my servant." Zem

"Kaya naman pala gusto mong manalo besh... Di mo agad sinabi?" Ella

"But if you loose, liligawan mo ako." Zem.

"WHAT?! SERIOUSLY??!!" Ella

"Bakit kailangan mo pang sabihin ng harap-harapan sa kaibigan ko?! Can't you just keep it in private?! I see.... Gusto mo naman lagi ay bulgaran diba? Hindi na ako nagtaka sa'yo." sabi ko sabay ub-ob sa desk ko.

"Ikaw ang may sabi nan...." Bulong nya. "Okay! Look, wag ka nang umiyak, I'll give you another chance para maging tayo ulit. Tutal, everyone deserves a second chance diba? You can court me if you want to. Okay lang sakin. Nakakaawa ka naman kung magiging desperado ang buhay mo dahil lang sa nakipag-break ako sa'yo. Sige ha? Mauna na ako." malakas na sabi nya.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon