DAY 11

1.1K 24 0
                                    

                  Chapter 15

                    "Day 11"

Yumi's POV

Saturday.... Ang araw kung saan pinapapunta ako ni Zem sa bahay nya. Pero dahil hindi ko alam kung saan ang bahay nya, napagkasunduan na namin na magkita nalang sa isang Café.

Pero ang nakakagalit talaga dito....ay 7:30 na, eh wala pa yung bwisit na yun! Ang usapan ay 7:00.

"Besh, kanina pa tayo dito ah. Dadating pa ba yung jowa mo?" Ella

By the way, kasama ko nga pala si Ella. Ayoko ngang pasamahin kasi pagulo yan eh, pero nagpumilit na sumama kaya hinayaan ko nalang. Wala daw kasi syang tiwala kay Marie na magtuturo sakin kung paano ang tamang paglakad para sa darating na SCCC.

"Hay naku Ella, masanay ka na. Prinsipe eh... Masyadong pa-VIP."

"Hay naku....Kung alam ko lang, di sana hindi na ako sumama."

"O edi umuwi ka na. Problema ba yun? Ang dami mong reklamo." sabi ko.

"Ay hindi! Kahit anong mangyari Yumi, sasama ako sa'yo." sabi nya habang hawak-hawak yung braso ko.

"Huy ano ba?! Bitawan mo nga ako!" ako habang hinihigit ko yung braso ko.

Maya-maya lang, may pumaradang SUV sa harapan ng Café.

Napatigil kami sa ginagawa namin at titig na titig kami dun sa kotse...

"Ang gara...." Ella

"Oo nga, kanino kaya yun?" tanong ko.

Suddenly, my phone rings...

*Zem Calling*

Huh! At may patawag-tawag ka pa ngayon ha?! Kapal ng pagmumukha nitong lalaking 'to! Wag na wag mo lang talagang masabing hindi ka pupunta!

"Hello!"

"Nasaan ka?!" pagalit na tanong nya.

"Ahh...At ikaw pa ang galit ngayon ha?? Ikaw? Nasaan ka?!" ako

"Nandito na ako. At pwede ba, wag na wag mo nga akong masigawan at hindi naman kagandahan yang boses mo. Lumabas ka na. Nandito ako sa labas." sabi nya.

"Ay oo.... Nakikita kita? Ni anino mo nga hindi ko makita..."

"Tanga mo rin eh ano? Kung lumalabas ka nalang!" sigaw nya.

"Sige,lalabas ako. Pero pag hindi lang kita nakita dyan, humanda ka sakin." panakot ko.

Hindi ko muna binaba yung phone. For sure na hindi ako niloloko nung lalaking yun...

"Ano daw sabi Besh?" Ella

"Nasa labas daw sya. Halika na..." pang-aakit ko.

Paglabas namin, lumingon-lingon kami sa paligid pero wala kaming makitang mukha ni Zem.

Tinapat ko ulit yung cellphone sa tenga ko at sinabing... "O nasan ka na po? Nilipad na ng hangin dahil sa kapayatan?"

"Bobo! Tumingin ka nga sa harapan mo!" utos nya

Tumingin ako sa harapan ko at wala akong ibang nakita kundi yung SUV na sasakyan...

Maya-maya lang, bumukas yung bintana nung kotse at may bumungad na lalaking gwapong naka-sunglasses samin.

Nanlaki yung mata namin nung makita namin si Zem habang nakalagay parin yung Cellphone nya sa tenga nya.

"O ano? Sinong tanga? Tanga na nga, bulag pa." pang-aasar nya.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now