DAY 3

957 29 0
                                    

Chapter 7

"Day 3"

Zem's POV

"Jeno sige nanaman oh.... Pumayag ka na." pamimilit ko.

"Zem, matuto ka namang gumalang! Simpleng 'sunbae' lang hindi mo pa maimik!"

"Okay fine...Sige na Sunbae..."

"Hay naku Zem. Hindi ako papayag dahil baka may mangyaring masama sa inyo. Panunugutan ko pa yun." Jeno

"Sige na...Ngayon lang. Promise mag-iingat kami." ako

"Zem, pag may nangyari sa inyong dalawa, mananagot ako sa school. Naiintindihan mo ba yun?" Jeno.

"Hindi eh... Sige nanaman..."

"Ayoko."

"Sige na..."

"Ayoko nga eh."

"Ayaw mo?? Eh kung ikalat ko kaya sa buong school yung picture mo nung nakatopless ka? Hindi ka parin papayag?"

"Yun ang wag na wag mong gagawin kung ayaw mong paluhurin kita sa monggo at asin."

"Kaya nga pumayag ka na. Simpleng 'oo' lang hindi mo pa maimik."

Napakamot nalang sya sa batok nya at hinilamos yung mukha nya sa sobrang inis sakin...

"Bahala ka na nga! Kahit na wala akong tiwala sa'yo, pagbibigyan kita ngayon. Siguraduhin mo lang na mag-iingat kayo, kundi, naku! Pag-uuntugin ko kayong dalawa."

"Oo. Thanks Jeno." sabi ko habang nagtatatakbo palayo

"Zem, sa susunod kukutusan na talaga kita! Wala kang galang!" sigaw nya.

Bahala ka sa buhay mo. Dapat nga ako ang ginagalang dito eh.

Yes! Nakumbinsi ko na sya! Isa nalang ang gagawin ko ngayon....

....

Yumi's POV

Aba, napakalaking himala ata at walang inuutos sakin yung Zem na yun... Na-realize na siguro nya na nakakapagod ding mag-utos at mang-asar ng cute na katulad ko.

Sya nga pala... Nasaan na yun??

"Looking for someone?" Ella

"Nope. Sino namang hahanapin ko?" tanong ko.

"Sus, wala daw. If I know, hinahanap mo si Zem. Tama ako o tama?" Ella

"Mali ka. Hindi ko hahanapin yung lalaking yun ha? At sino sya para hanapin ko?"

"Admit it or not, alam kong may gusto ka sa kanya. Tama ako diba?"

"No... Wala akong gusto sa mayabang na lalaking yun. Ang pangit kaya nun."

"Asus... You can't fool me. Kitang-kita ko sa mga mata mo yun."

"Whatever..." (-.-)

......

(After the PE Class)

Katatapos lang naming magpalit ng damit. Kasho-shower lang din namin. Sosyalin diba? May sariling paliguan.

Ngayon, papunta na ako sa may locker para kunin yung mga librong kakailanganin namin sa physics.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng locker ko, nakita ko agad ang isang papel na color pink na may pabango pa.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon