DAY 4

832 28 0
                                    

Chapter 8

"Day 4"

Yumi's POV

Such a good day to start my evil plan...

Get ready Zem Adrian Montenegro. Sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan 'tong gagawin ko sa'yo...

*evil laugh*

Ahh...paano ko nga pala sisimulan? Kailangan maghanda ako ng speech para mamaya... Ahm...such as what??

Hay....wala pa pala akong naiisip. Paano ko masisimulan? (=_=)

Ah bahala na...

.....

Zem's POV

"Haha....kung nakita mo lang yung mukha nya kagabi. As in sobrang nag-ayos. At one hour pang naghintay ha? Naniwala talaga ang tanga..."

"Grabe, wala ka talagang awa Zem. Iwanan mo ba naman yung tao sa restaurant ng walang pambayad." CJ

"Aba,kasalanan ko ba kung tatanga-tanga sya?" tanong ko.

"Bahala Zem. Mamaya, maghiganti yun sa'yo. Abangan ka pa nun sa labas at ipabugbog. Naku, yari ka." CJ

"Subukan naman pati nya. Hangga't hindi sya pumapayag sa mga gusto ko, hindi ko sya titigilan."

"Tss.....Ikaw lang talaga ang kilala kong ganyan ang ugali. Nag-iisa ka."

"Unique nga diba?"

Maya-maya lang nakakita ako ng isang hanay ng babaeng nagsisiiyakan habang nadaan kami sa kanila. Nakakatuwa, puro tissue at towel ang hawak.

"Anong nangyayari dyan sa mga yan?" tanong ni CJ habang nakaturo ang nguso nya dun sa mga babae.

"Aba malay ko, Kasama ko sila kanina?"

"Sabi ko nga."

"Tara na nga. Papansinin ko pa ba yang mga yan?"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at dumiretso sa classroom.

......

(Classroom)

Pagkarating namin sa room, sandamakmak din ang naiyak. Mapababae o mapabakla.

Ano bang nangyayari dito?

"Zem, namatay ba ang principal natin? Bakit parang nagluluksa ang lahat?" tanong ni CJ

"Mabuti nga sana kung namatay na eh." ako.

"Sunbae, ano po bang nangyayari dito?" tanong ni CJ kay Jeno

"Kasalanan yan ng kasama mo." Jeno

"Ako? Bakit naman ako?" walang galang na tanong ko.

Bigla nya akong binato ng notebook sa mukha.

"Ikaw, kapag sinabi kong gumalang ka, matuto kang gumalang ha?!" Jeno.

"Opo."

"Sunbae, bakit po kasalanan ni Zem?" CJ

"Nabalitaan kasi nila na may girlfriend na si Zem. Kaya ayan, daig pa nila ang nagluluksa." Jeno

"Girlfriend? Sinong girlfriend mo Zem?" tanong sakin ni CJ.

"Wala pa akong girlfriend! Sino naman pating may naglakas na loob na may sabing may girlfriend na ako?!" inis na tanong ko.

"Girlfriend mo mismo." Sabi ni Jeno.

30 Days To Make You Fall [UNDER MAJOR EDITING]Место, где живут истории. Откройте их для себя