Chapter 165

803K 29.5K 17.7K
                                    

Dinner

Jay-jay's POV

Sabog na naman ako! Hindi sa drags kundi sa sobrang pag-iisip. Nag-uumpisa na kasi yung kinakatakutan ko.

Hindi na nagpapasinan yung ibang suportado kay Keifer at Yuri. Meron namang walang paki-alam pero napipilitang makisali sa away.

Ang masama pa nito, nagatungan a yung pag-aaway ng iba. Kagaya ni Kit Mayo. Hindi nga nag-uusap dahil sa issue nila, dumagdag pa yung usapin samin.

Shit lang!

May narinig ako'ng kumatok sa pinto ng kwarto ko. Bumukas yun at iniluwa si Kuya Angelo.

"Jay... Magbihis ka. May pupuntahan tayo." Utos nya sakin.

"Ha?"

"Magbihis ka, mag-dress ka nalang siguro."

Lumabas sya ng kwarto. Hindi ko na natanong kung bakit at para saan. Tumayo ako at nanguha ng damit.

Kahit sobra ang pagtataka ko nagbihis ako. Nag-ayos na rin ako ng buhok. Kayalang hindi ako komportable. Kinuha ko yung sneakers ko at yun ang pinangsamplot ko sa paa.

Ayoko mag-sandals.

Paglabas ko, nakataas agad ang kilay ni Kuya sakin. Naiintindihan ko sya. Kasi nga naman, naka-dress ako tapos sneakers. Malakas kasi ang trip ko sa buhay!

Nahahawa na ko sa mga Ulupong na yun!

"Anu ba yan? Bakit ganyan ayos mo?" Inis na tanung nya sakin.

"Ikaw nagsabi-----"

"Never mind! Male-late na tayo. Tara na!"

Kamot batok ako'ng sumunod sa kaya at sumakay sa kotse.

"Saan ba tayo pupunta?"

Hindi sya sumagot at tahimik lang na nakatingin sa daan. Anu na naman kaya kami? Hindi pa naman namin kasama sila Tito Julz at Tita Gema. Nakabantay pa rin sila kay Aries na nasa ospital.

Unti-unti'ng bumagal yung kotse at pumarada sa harap ng isang magarbong restaurant. Mukang mayayaman lang ang kumakain dito.

At tama nga ako, pinto pa lang kami gusto ko na umuwi ng bahay. Kahit naka-dress ako, obvious na hindi ako bagay dito. Buti pa si Kuya kahit naka-semi formal bagay-bagay dito. Kahit kaya nakapang-taong-grasa sya, pasok pa rin sya sa banga.

"Kuya, aanu ba----" Mukang hindi ko na kailangang magtanung. Mula sa pwesto namin, kita'ng kita ko si Yuri at ang magulang nya.

Pakshit!

"We're having a dinner date with Yuri and his parents." Sabi ni Kuya at naglakad palapit sa table kung nasan sila Yuri.

Nakasunod lang ako kay Kuya kahit sa totoo lang parang ayaw ng humakbang ng mga paa ko.

"They're here." Sabi nung Mama ni Yuri at agad na lumapit sakin para makipag-beso-beso.

"Sorry... Nalate kami." Sabi ni Kuya habang nakikipag-batian sa Papa ni Yuri.

Pagkatapos makipag-batian, nagulat nalang ako ng lumapit si Yuri sakin. Nakangiti na parang walang nangyari. Humalik sya sa pisngi ko at medyo napalayo pa ko sa pagkabigla.

Ngumiti sya sakin at hinatak palapit sa upuan. Tinulungan nya kong maka-upo ng maayos. Tinignan ko sya na puno ng pagtataka.

Kasi naman... Parang walang nangyari!

"...kamusta si Aries? Sana hindi malala yung nangyari sakin." Sabi nung Mama ni Yuri kay Kuya.

"He's okay now. Matagal ng sakit ni Aries yun. Nabigla lang yung katawan nya kaya nahirapan syang huminga ulit." Paliwanag nya.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon