Chapter 168

786K 31.1K 21.5K
                                    

Author's Note: Walang edit-edit to mga Bes.. pasensya na!

Belated Happy Birthday kay Clifford Millos and sakin. Hahaha..

Exam

Jay-jay's POV

BAKIT?!

Bakit walang nagsabi sakin na ngayong sabado ang exam? Pinandigan ba nila yung hindi pagka-usap sakin? Pati araw ng exam hindi nila sinabi.

Naiiyak ako!

Bukod sa hindi nila ko sinabihan. Wala din akong review. Katapusan ko na ba?!

"Kuuuyyyaaaa... Wala akong ka-review-review. Sige na!" Paki-usap ko kay Kuya Angelo habang sumusunod sa kanya.

Dahil wala ako'ng ka-review-review, binalak kong magpalusot at umarteng may sakit. Kayalang wa-epek!

Pinapaki-usapan ko nalang sya na tawagan ang school at sabihin na may sakit ako.

At kasalukuyan kami'ng nagpipilitan.

"...Kuuuuyyyyaaaa..."

Tumigil sya sa paglalakad at tinignan ako ng masama. "Tigilan mo ko! Hindi ko kukunsintihin yang gawain mo na yan!"

Maiyak-iyak akong yumakap sa kanya habang nakatingin sa mga mata nya. Hindi sya gumagalaw at ganun pa rin ang tingin sakin.

"Sige na please... Sabihin mo kukuha nalang ako sa Monday." Paki-usap ko.

"Retreat na sa Monday." Biglang singit ni Aries habang dumadaan sa likod ko.

Bumitaw ako kay Kuya at tinignan sya. Monday na talaga? Di nga?

"Kaya kailangan mo talaga'ng pumasok at mag-exam ngayon." Sabi ni Kuya at tuluyan ng umalis sa harapan ko.

T_T... Iiyak na ko talaga.

"Napapala ng tamad pumasok." Parinig ni Aries at lumabas na ng pinto.

Kasalanan ko ba? Ginalit ako ng mga Ulupong na yun. Tinamad na ko pumasok at ilang araw din yun. Sila talaga ang sisihin ko dito.

R.I.P. sa grade ko. Nakasimangot akong naglakad papasok ng school. Gagamitin ko sana ang bike ko, kayalang wala ako sa sarili baka maaksidente ako.

Pagdating sa school, si Calix ang una kong nakita. Mukang kakahatid lang nya kay Mica. Nginitian nya ko pero hindi matatago nun yung pasa sa tabi ng labi nya.

Nahalata nya agad na dun ako nakatingin kaya agad syang umiwas at nauna na sa paglalakad papasok ng room. Halos ayaw humakbang ng paa ko pero kailangan kaya pinilit ko.

Mula sa gilid ko nakita ko si Felix at Rory. Pareho silang ngumiti sakin pero mukang nasaktan si Felix dahil sa sugat sa labi nya. Tinignan ko naman yung pisngi ni Rory na may gasgas.

Hindi ko magawang suklian yung mga ngiting binibigay nila. Inuunahan ako ng pag-aalala. Sanay na kong makita na meron silang sugat o pasa sa muka kapag pumasok pero kapag naiisip ko na sila-sila rin ang may gawa nyan sa isa't isa. Nalulungkot ako.

Hindi naman dapat ganyan.

Bagsak ang balikat kong pumasok sa room. Hindi makabasag pinggan, yan sila ngayon. Sobrang tahimik, meron mang nag-uusap pero sobrang hina naman.

Nginitian ako ni Ci-N, nahiya na ko kaya nagpilit ako ng ngiti pero nag-mukang ngiwi. Paglapit ko sa upuan ko, nakapanga-lumbaba ang Hari. Nakaharap naman sa notes si Yuri.

Gusto ko sanang mag-review, pero mukang wala rin namang papasok sa isip ko. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kaylangan ko pa ring subukan.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon