'Tula"

56.1K 249 16
                                    


Gusto kong gumawa ng tula,
Tula na makapagpapaluha.
Tula na nanaisin mong ulit ulitin,
Tula na paulit ulit mong babasahin.

Umpisahan natin sa umpisa,
Kung saan tayo ay naging masaya.
Kung saan bumuo ng pangarap na sa aki'y iyong sinambit,
At ito ay sa puso koy pilit na kumapit.

Pangalawa,ang ating alaala,
Mga alaala na sobrang saya,
Yung halos siya ang gustong laging makita,
Mula sa pag tulog,pag gising at pag mulat ng mata.

Ngunit pangatlo,katapusan,
Lahat ay may katapusan,
Luhay papatak mula sa iyong kinagagapusan,
Hanggang sa kanyang itinuring mong kanlungan.

Wakas,eto na yata ang kinatatakutan ng lahat,
Pero wala tayong magawa dahil itoy nangyayari sa lahat,
Hindi natin hawak ang ating kapalaran,
Kaya luha moy iyo nang itahan.
                                                              

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon