"Kahit malinaw na ang lahat"

8.9K 29 1
                                    

Mahal ko kamusta ka na?
Kumain ka na ba?
Matulog ka na.
Wag kang papalipas ha.
Mahal na mahal kita.

Ayan ang mga salitang binibitawan ko,
Sa bawat araw na ikay kausap ko,
Kahit na.......wala namang tayo,
Kahit ang sakit sakit na kumakapit parin ako sa "ikaw at ako"
Nag babaka sakali kasi ako na pwede pang mabago na ang " ikaw at ako " at maging "tayo".

Mahal wag kang mag alala naka handa akong masaktan,
Handa akong maiwan kahit wala namang naumpisahan,
Wag mo akong isipin ayos lang ako ang importante masaya ka,
At kung dumating man ang araw na may mahal kana wag ka mag alala,
Nandito lang ako pag iniwan ka nya aasa parin ako kahit nakakapagod na.

Basta tatandaan mo lang nandito lang ako,
Di ako mag hahanap ng iba di ako lalayo,
Aasa at aasa parin ako hanggang kaya ko pa pangako ko yan sayo,
Kakapit parin ako kahit walang kakapitan at pinanghahawakan,
Mahal na mahal na mahal kita tandaan mo yan.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon