"Walang Label"

9K 46 2
                                    

"Hi"
"Hello"
Tandang tanda ko pa nung unang pag uusap natin,
Natatawa ako dahil gusto mong makipagkaibigan sakin,
Hanggang sa mag patuloy ang mga araw at gabing dumaan na tayong dalwa ay nag pupuyatan,
Na tila ba akala moy walang pasok kinabukasan,
Natutuwa ako....
Natutuwa ako na naging kaibigan kita,
Pero habang tumatagal na kasama kita tila ba pumasok sa aking isipan ang katanungang "hanggang kaibigan nalang ba talaga?",
Natatawa ako bakit pumasok yun sa aking isipan?,
Nabalisa,
Naiwang tulala,
Naghahanap ng kasagutan sa aking katanungan,
Huminga ng malalim sabay tingala sa kalangitan,
Habang ang mga bituin ay tinititigan pumasok ka saking isipan,
Hanggang sa dumating ang panahon na akoy tuluyang naliwanagan,
Mahal na kita aking kaibigan ngunit alam kong ikay maguguluhan,
O baka akoy iyong layuan,
Natatakot ako,
Natatakot ako na baka may magbago,
Natatakot ako na baka bigla ka nalang mawala sa mundo,
Natatakot ako na baka mailang ka sakin at layuan mo ako,
Pero isa lang aking sinisigurado ,
Hinding hindi ako mapapagod na samahan ka sa bawat lakad mo,
Hinding hindi ako mapapagod na maghintay sayo,
Hinding hindi ka mawawagli sa isip ko,
Mananatiling ikaw at ikaw at tinitibok ng pusong ito,
Kahit na " Walang Label" ang "Tayo".

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon