"Atensyon"

9.6K 61 3
                                    

Alam mo nung unang mag tagpo ang ating mga mata.
Aaminin ko,aaminin ko na wala kong nadama.
Dahil di ako naniniwala sa love at first sight.
Hindi ako na niniwala sa kasabihan nila lahat.
At dumating na nga yung araw na nakilala kita, nakilala kita dahil sa oras oras,araw araw,na pag chachat mo sa akin.
Na sanay ako na lahat ng atensyon mo ay nasakin.
Kaya unti unti na akong nahuhulog sa mga matatamis na salitang binibitawan mo sa mga pambobola mo kaya gabi gabi ikaw na ang aking pinapanalangin.
Sana wag nang matapos ang mga oras na tayoy mag kausap.
Ang saya para akong nasa ulap.
Halos nag mumuka nakong tanga kakangisi, kakatawa at habang nakangiti mag isa kahit ala una na nang umaga.
Pero alam mo hindi ako nagsasawang kausap ka dahil ikaw lang naman yung kumukumpleto ng araw ko.
Kaya iniisip ko minsan na pano nalang kung mawala ka,kung makahanap ka ng iba? pano na ako?.
Sa bagay wala namang bagay na hindi nag babago ,wala namang bagay na mananatiling sayo.
Kaya ako sinusulit ko ang bawat oras,bawat araw na kausap pa kita, na kinakausap mo pa ako.
Hinahanda ko na rin ang sarili ko sa mga pagbabagong mangyayari sa mundo ko.
Lalo na pag may iba ng pumukaw ng atensyon mo.
Pag hindi na ako ang sentro ng atensyon mo.
Ihahanda ko ang sarili ko
para narin sayo dahil kailangan kong palayain ka para sa iyong ikasasaya.
Ihahanda ko,
Ihahanda ko ang sarili ko para di nako magulat sa araw nang pagbabago mo.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon