"Nag kulang? o sumobra?"

6.9K 35 0
                                    

Sa panahon ngayong andaming umiibig,
Ngunit sa pag ibig maaari mong maranasan ang masaktan,
Maiwan,
Umasa,
At higit sa lahat ay yung mag pakatanga,
Kung ikaw?
Anong pipiliin mo?
Yung nag kulang o sumobra?
Kung ako ,
Wala akong pipiliin,
Dahil kahit kailan hindi ko pa naranasang saluhin o piliin ng taong gusto kong mahalin,
At kahit san mo pang anggulo tignan pareho lang mali,
Kahit maghanap kapa ng sagot sa kabilang mundo hindi madali,
Kahit ulit ulitin mo pang alalahanin masasaktan kalang uli!,
Nagkulang?,
Diba yun yung dahilan kung bakit bumibitaw ang isa at maiiwan nagmamahal ang isa at maiwan syang luhaan pati na ang pusong sugatan,
Sumobra?
Diba yun yung dahilan kung bakit naghihiwalay ang iba dahil sa nakakasakal na ang pag mamahal na binigay ng sobra sobra pero kahit ganun iniwan paren sya,
Uulitin ko,
Nagkulang o sumobra?
Kung ako sayo wag ka nang pumili sa dalawa,
Wag kang mag bulag bulagan,
Dahan dahan mong pag isipan,
Tumakas ka sa iyong kinagagapusan,
Buksan mo ang iyong mga mata,
At ituloy ang buhay itigil na ang pagpapakatanga.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon