"Sana ako nalang sya"

8.9K 53 0
                                    

Bakit pag sya pwede ? Pag ako hindi,
Bakit pag sya ok lang? Pag ako hindi,
Bakit pag sya tama ? Pag ako hindi,
Bakit pag sya oo ? Pag ako Hindi.

Masaya ako na masaya ka,
Masaya ako pag nakikita kong masaya ang labi mong mapula,
Gusto ko lagi kang masaya,
Pero yun ay sa piling ko, hindi sa piling nya.

Di mo ba talaga ko na papansin?,
Kailan mo ba mapapansin na ako sayoy may pagtingin?,
Ilang bituin paba ang bibilangin?,
Di mo ba talaga ako kayang mahalin?.

Pwede bang sakin ka nalang?,
Pwede bang ako nalang?,
Pwede bang tayo nalang?,
Syempre hindi kasi ako ay hanggang kaibigan mo lang naman.

Pero ayokong ayoko kasi nang pinagpipilitan ang aking sarili,
Kaya kung sino man ang iyong mapili,
Mananatili akong masaya para sayo,
Mananatili ako para sa ikasasaya mo.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon