"Patawad"

12.8K 101 7
                                    

Pwede bang tayo na lang?
Pwede bang ako na lang?
Syempre hindi
Bakit nga ba hindi?
Dahil ba hanggang kaibigan na lang?
Dahil ba puso mo ay may iba ng laman?
Maraming katanungan na kahit bigyan mo ng kasagutan ay di parin ako malilinawan.
Bakit?.
Kasi natatakot ako!
Oo natatakot ako.....
Natatakot ako tanggapin ang katotohanan...
Katotohanan na mas pinipili kong talikuran...
Alam mo kung bakit?!....
Hindi dahil sa natatakot akong mag isa kundi,
Natatakot ako na baka pagtalikod ko ay may mahal kana....
Teka!...
Oo may mahal kana pala!
Ni wala ka man lang pasintabi,sinabi o paalala,
Sa bagay ano nga ba ako sayo?!....
Ano ba tayo?...
Kasi ako lang naman yung taong naging karamay mo sa problema,kalungkutan,tawanan pero bakit mas pinili mong talikuran at iwan?!
Pasensya kana ha umasa kasi ako,
Umasa ako sa tayo,
Umasa ako na magiging tayo.
Tuwing gabi naka tingala ako sa langit tinitignan ang mga ulap na para bang
nasa alapaap,
Tinititigan ang mga kumikinang na bituin kahit di napapansin,
Kasi hanggang ngayon umaasa parin ako sabihin nyo nang tanga pero nag mahal lang naman ako diba?!.
Ang sakit!...
Pero kahit anong sakit mas pipiliin ko itong mag pa ulit ulit,
Ikaw?!..
Ikaw yung pagkaka mali nanaisin kong ulit-ulitin muli...
At sa huling pag kakataon?!
Tama na!...
Ang gusto ko lang ay humingi ng tawad...
Patawad!Patawad dahil minahal kita!.
Patawad dahil minamahal parin kita!
Patawad dahil minamahal kita kahit may mahal ka nang iba....







Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon