Masakit pa

1.5K 11 0
                                    

Minsan akoy napapaisip bakit pakiramdam ko lagi akong mag isa,
Bakit pakiramdam ko may kulang pa,
Bakit pag naiisip kita bumabalik ang ala ala nating masaya,
At sa gabi'y hindi makatulog at naiiwang balisa.

Nalulungkot ako pag nakikita kong may iba kang kasama,
Nalulungkot ako pag nakikitang kong masaya kang kasama sya,
Nakakalungkot kasi yung dating tayo wala na,
Kasi umalis kana pero ako nandito't nananatili pa,

At oo masakit na,
Masakit na naalala ko pa lahat,
Namumutawi ang lungkot na nag papaalon  sa dagat,
At pag dating ng umaga ay titigil ito sa pagkat natatakot na makita ng araw,
Nakakatakot, nakakatakot na malunod sa kahapon nating masaya,

At pagod nako,
Pagod nakong isipin ka,
Pagod nakong habulin ka,
Pagod nakong maghintay na babalik kapa,

Gabi gabi ko paring kinekwento sa mga bituin ang kwento nating dalawa,
Habang ang buwan ang nag bibigay liwanag sa aking pag iisa,
At mabuti pa ang mga ulap na naglalakbay papalayo umalis at lumimot na,
Samantalang ako ay nandito't nasasaktan pa rin at oo masakit pa.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon