"Umaasa"

25.2K 148 17
                                    

Sa bawat araw na nakikita ka kakaiba ang nadarama,
Sa bawat galaw moy sinusundan ka ng aking mga mata,
Galit sa akin ay wag kang mag kikimkim,
Dahil minamahal kita ng palihim.

Sa bawat araw na dumaraan umaasa ako,
Umaasa ako na may tayo sa mundong ito,
Ngunit sa totooy ang meron lang ay ikaw at ako,
Sa gabiy humihiling sa mga bituin na naiisip mo rin ako katulad na pag iisip ko sayo kahit ikaw man ay nasa ibang dako ng mundo.

Umaasa ako na magustuhan mo ang isang katulad ko,
Ang isang katulad ko labis na nag mamahal ng isang katulad mo,
Ako ang langit sa gabing madilim,
At ikaw ang bituin na nag papaliwanag nito sa gabing makulimlim.

Ang tulang itoy inaalay ko sayo,
Kung mabasa mo man ito,
Itoy inaalay ko para sa isang katulad mo,
Ang anghel na nagbihagay kulay sa buhay ko.

Ngunit sa kabila nang pahahangad ko sayo,
Di ko pinipilit na magustuhan mo rin ang isang tulad ko,
Ang katulad ko na nag mamahal sa iyo,
Sanay nagustuhan mo ang tulang ito na para sayo.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon