"Hanggang dulo"

7.8K 32 1
                                    

Mahal naaalala mo pa ba nung araw na naging tayo?,
Labis na tuwa ang nararamdaman ko at nararamdaman mo,
Halos pagising at pag pikit ng mata gusto ikaw ang sasalubong at makikita,
Ang saya saya pa natin, ang saya saya pa natin nun.

Ngunit dumating yung araw na aking kinakatakutan,
Hindi mo na ako kinakausap,pinapansin o tinatawagan,
Hindi mo hinahawakan ang aking kamay,hindi mo nako tinititigan,hindi mo na ko pinapakinggan,
Hindi mo na ko sinasalubong ng halik mo na sa aking pakiramdam ay nagpapagaan, hanggang sa wala ng pansinan.

Napapansin ko na lagi kang may kausap na iba,
Nakita kong may kasama kang iba habang nagpapakasaya sa ilalim ng musika,
Nakita kong napapangiti ka na ng iba,
Mahal anong nangyari sa ating dalawa?!.

Nangako tayo sa isat isa diba?!,
Pero bakit parang naligaw ka,
Sabi mo hanggang dulo tayo diba?!,
Pero bakit ganun!? Di mo pa man nasasabi ang mga salitang "malaya kana","tapos na","tama na","ayoko na".

Damang dama ko na!,
Ang sakit,sobrang sakit,
Di ko maipaliwanag yung sakit! Dahil kasabay nito,pumapatak ang mga luha at bumabalik ang mga alaala nating masaya noon!,
Oo masakit! Sobrang sakit! Mahal nadudurog ako! Nadudurog na nadudurog ako!.

Dahan dahan akong lumapit papunta sa kanya,
Habang lumuluha kahit magang maga ang mga mata,
Niyakap kita,niyakap ko sya ng sobrang higpit sabay tanong ng "mahal may tayo pa ba?",
Sabay niyakap mo naman nya ako at ako naman tong si tanga tuwang tuwa ngunit mayamayay biglang dumudulas ang iyong braso paalis sa pag kakayakap mo.

Hinawakan mo ang mga kamay ko at sinabi mong "tapos na tayo",
Pero mahal, diba nag bibiro kalang? Mahal naman wag ka magbiro ng ganyan.
Ngunit nagkakamali ako nung inakala ko na yun ay isang biro lamang dahil hinawakan mo ng mahigpit ang aking mga kamay at tinignan ako sa mata ng masinsinan at sinabi mong "mahal,may mahal nakong bago",
Dahan dahan akong humakbang papalayo sayo habang mag isang niyakap ang pangako mo na "hanggang dulo".

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon