"Medisina"

4.4K 23 0
                                    

Medisina

Ilang taon na akong naglalayag sa mundo,
Paikot ikot pa ang pwesto,
Madalas nasa langit ngunit kung minsay nasa impyerno,
Mga nararanasan ng paglalakbay pabago bago.

Nakakilala ng ibat ibang tao,
May pangmatagalan,pansamantala at nagbabago,
Ngunit sa buhay ang pinto ay wag isarado,
At sa pag pasok mo ang istorya natin ay nag simula dito.

Dito sa paaralan natanaw ko ang instrumento,
Sa una hindi kapansin pansin ang itsura nito,
Ngunit sa pagtugtog ng iyong musika,
Akoy unti unting naakit sa bawat tunog nakung paanong ang bawat letra na nadirinig ng aking tenga na nagmumula sayo ay nagpapasaya.

Sa aking pagtugtog nakikinig karin ba?,
Wag kang mahiyang magsabi kung matining,sintunado,wala sa tono o walang kwenta,
Gagawin ko ang lahat matamaan lamang ang mga nota,
Mga nota na maaring nasa tono nang pumasa.
Minsan pinangarap ko,
Pinangarap kong maging doktor at hindi maging medisina,
Kakailanganin mo pag may sakit ka,
At iiwan mo pag magaling kana.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon