"Akala"

11.6K 63 2
                                    

Nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo,
Tanggap ko na na walang tayo,
Ok na ko na hindi tayo basta kaibigan mo ako,
Ayos lang na naging parte ako ng buhay mo.

Ngunit sa kabila ng aking mga sinabi,
Itoy hindi totoo at pawang panaginip,
Lahat ng aking binigkas at lahat ng salitang sa bibig koy lumabas ay pawang kathang isip,
Dahil lahat ng aking binigkas ay kabaligtaran ng katotohanan na aking kinalimutan para hindi masaktan.

Lahat ng sakit ay kinimkim,
Lahat ng luha ay pinipigilan ng taimtim,
Lahat ng kalungkutan na nararamdaman ay tinatago tuwing gabi sa dilim,
Dahil ayokong maging malungkot at pinipilit kong itago ang ating nakaraan kung saan nakilala kita ng sobrang lalim.

Hindi totoo na nakalimutan ko na ang nararamdaman ko para sayo,
Dahil hindi na lilimutan ang nararamdaman,
Kahit mag tanim pa ito sayo ng malalim na kalungkutan,
Lalo na kung nakasanayan mo na sa kanyang kanlungan.

Hindi totoo na tanggap ko na na walang tayo,
Dahil nasasaktan parin ako,
Hindi ako manhid hindi ako bato,
Nasasaktan parin ako pag nakikita kong magkasama kayo.

Hindi totoong ok na ako na hindi tayo basta kaibigan mo ako,
Dahil sa tuwing nagkekwento ka tungkol sa inyo,
Pinipilit kong ngumiti sa harap mo,
Pinipilit kong wag umiyak pag talikod mo pero sa totoo halos mamatay na ako sa bawat pag bigkas mo na mahal mo sya pero pano naman ako?
Nasasaktan rin ako nasasaktan parin ako.

At isa pang malaking kasinungalingan na ayos lang na naging parte ako ng buhay mo,
Dahil sobrang sakit isipin na ginawa kitang mundo ko,
At ako? isa lang naman ako sa kontinente ng buhay mo,
Ang sakit no?.

Akala ko ok na ko,
Akala ko masaya na ako,
Akala ko malaya na ako
Ngunit lahat ng akala ay isa lamang paalala na libreng umasa.




Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon