"Ilang bagay na natutunan ko sa pag-ibig"

24.8K 138 5
                                    

Pang una,wag kang mag mamahal ng taong di pa tapos mag mahal ng iba,
Ikaw at ikaw lang ang masasaktan wala ng iba,
Wag mo syang mahalin hanggat mahal nya pa,
Mag mumuka kalang tanga.

Pangalawa,wag kang mag mamahal ng taong di ka kayang mahalin,
Nasayo naman kung ang puso mo ay susundin mo parin,
Di na tuturuan ang puso na mag mahal kailan man,
Dahil kusa itong titibok pag nakita mo ang taong para sayo ay nakalaan.

Pangatlo,bago ka mag mahal mag handa ka,
Dahil kahit anong gawin mo madadapa at masusugatan ka,
Kasi nga nag mahal ka,
Kaya wag ka mag mamahal kung ayaw mong masaktan pa.

Pang apat,kung iibig ka maghanda kang sumugal,
Dahil hindi palaging mananalo ka sa pag mamahal,
Di mo malalaman kung magtatagal,
Dahil minsay nakakasakal.

Pang huli,manalo o matalo,
May taong nakalaan para sayo,
Sa milyong tao sa mundo malay mo syay nasa tabi mo,
O di pa nakakapasok sa buhay mo.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon