Aklat

1.3K 9 0
                                    

Nag iisa,
Nag babasa,
Nakapamewang man o nakapamulsa,
Pilit tinatago ang sarili sa mundo ng mag isa,
Kukunin ang antipara,
Magbabasa,
Dahan dahang bubuklating ang bawat pahina ng libro ng paboritong kong storya,
Sabay bubulungan ang aklat na "huwag kang mag alala iingatan kita at hindi kita iiwan kung sakali mang mag sawa ako sa paulit ulit na pag babasa",
Huwag kang mag alala hindi ako katulad nya,
Hindi ako katulad nya na iiwan ka,
Hindi ako magtatanim ng galit kung sakaling mang kusa kang sumara,
Dahil kaya kong ibigay ang oras ko para hanapin ang pahina kung saan ako natapos na,
Handa akong hindi itiklop ang iyong pahina dahil handa akong kabisaduhin ka,
May paborito man akong pahina ngunit ikaw pa rin ang paborito kong aklat basahin,
Maluma ka man at mapunit o di na kumpleto akin parin itong babasahin at paulit ulit na aalalahanin,
Magbago man ang kulay at amoy ay patuloy paring kitang hihithitin,
At habang buhay iibigin.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon