"Ok na sana"

8.2K 48 2
                                    

"Hi"
"Hello"
"Kamusta kana?"
"Ok na sana kaso..........nagparamdam kapa:'-(

Bakit kung kailan kita sinusubukang kalimutan tsaka ka naman mag paparamdam?,
Di mo ba alam na sa bawat pag paparamdam mo kasabay nun yung pag asa ko sayo umaasa ako,umaasa ako na may pag asa pang maging tayo.
Kaya kahit na sasaktan ako
pinipilit ko nalang ulit makalimot,
Kahit minsan bigla ka nalang magpaparamdam at susulpot.
Tao rin naman ako!
nagmamahal nasasaktan....
pero patuloy paring nag mamahal.
Ang tanga ko no?
Kasi sa dinamidami ng tao sa mundong ito mas pinili ko paring magpakatanga at umasa sayo.
Ganun naman kasi talaga lahat ng nagmamahal nasasaktan.
Kaya sana dumating yung araw na hindi na ikaw yung mahal ko kasi hindi naman talaga kita makakalimutan kasi isa ka nagpasaya,nagpatawa at nag paluha sa akin.Kung may isa man akong hihilingin sa iyo yun ay huwag kana sana mag paramdam kasi masakit na eh masakit! pinaglalaruan mo ung feelings ko yung tipong ngayon pinapasaya mo ako pero bukas wala ka ng paramdam kaya ako naman tong si tanga iiyak.Kaya pakiusap lang kung wala kang planong mahalin ako kalimutan mo nalang na naging parte ako ng buhay mo.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon