"Kaibigan"

16.1K 86 3
                                    

May mga bagay na dapat kinakalimutan,
Lalo na ang taong sa ere ika'y iniwan,
Wag kana umiyak di sya kawalan,
Di ikaw ang nawalan dahil sya naman.

Tara sumama ka sakin,
Ikay lubos na aking mamahalin,
Sa aking pag mamahal puso moy lulunurin,
Kahit ano pa ang suungin ikay mamahalin parin.

Sa akiy di ka masasaktan,
Kahit kailan ay di ka iiwan,
Tutumutol man sila sa ating pag mamahalan,
Kahit kailan ay kamay moy di bibitawan.

Kalimutan mong ikay iniwan,
Dahil kamay moy di ko bibitawan,
Hanggang sa lungkot moy lumisan,
Kahit hanggang kaibigan lang ang turingan.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon