"Tagu-taguan"

6.9K 59 3
                                    

Tagu-taguan ,
Pag mamahalan ay na wakasan,
Pag kabilang kong sampu,
Wala ng "tayo".
Isa,dalawa,
Bawat hakbang mo papalayo tumutulo ang luha na parang di na matatapos pa,
Bawat pag hawak ko sa kamay mo pumipiglas ka,
Bawat yakap na natatamo sa iyo ay unti unting nanlalamig na.
Tatlo,apat,lima,
Mga alaala na unti unti naging malungkot ay gustong maglaho na,
Bakit kailangang matapos pa?!,
Hanggang dito nalang ba ang tadhana?.
Anim,pito,walo,
Bakit nakatingin kapa sa akin pag lingon ko sayo?!,
Oo! Lumingon ako sa pag babakasakaling magbago ang isip mo at bumalik ka sa gapos ko.
Ngunit umasa lang ako,umasa ako na bumalik ka sa piling na nakasanayan mo.
Syam,sampu,sa bilang na ito babalik ka sa alaala nating masaya na iba na ang kasama....

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon