"Ikaw o ako"

6.3K 33 4
                                    

Isang araw , akoy nag iisa,
Nakatingin sa langit na madilim at naiwang balisa,
Hindi ko alam kung san hahantong ang pag titig ko sa langit na madilim,
Hindi ko alam kung san papunta ang pag ka lungkot ko ng taimtim.

Hanggang sa dumating ang ikaw,
Oo ikaw,
Ang nag silbing bitwin na sa kalaunay lumitaw,
Bawat oras,minuto,sigundo pinagmamasdan ang iyong mga galaw at halos ang aking mga mga sa pagtingin sayo ay ayaw na bumitaw.

Naging magkaibigan tayo,
Sa bawat pag ngiti,pagtawa mo ng dahil sa pagpapatawa ko,
Di na nakukumpleto araw ko pag di ko nakikita mukha mo,
Pero, mali ba yung ginawa ko?
Mali bang ginawa kitang mundo ko?.

Hindi ko maintindihan,
Sino bang mali sa ating dalawa?
akoy naguguluhan,
Ikaw ba? Na nag bigay motibo?
O ako ? Na sadya sigurong binigyan ko ng malisya lahat ng pinaramdam mo.

Na dudurog ako,
Nung sinabi mong "alam mo namang kaibigan lang tayo".
Gusto kong lumayo,gusto kong maglaho,
Pero mas nadudurog na nadudurog ako tuwing pinaparamdam mong masaya ka sa piling ko ,nadudurog nanadudurog at naduduro parin ako sa tuwing pinaparamdam mo na higit pa sa mag kaibigan ang "Tayo".

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon