"Tanga"

6.2K 33 20
                                    

Isinulat ko ang tulang ito para sa sarili ko na masyadong nag mahal ng taong may mahal pang iba,
Hahaha tanga na kung tanga pero nandito lang ako pag sinaktan ka nya,
Nandito lang ako pag iniwan ka nya.

Pangako bubuuhin kita,
Katulad ng sayoy pag buo nya nung panahong pakiramdam mo ay nag iisa ka,
Papaligayahin kita katulad ng ginawa nya sayo ng panahong malungkot ka.

Gagawa tayo ng mga alaala na masasaya katulad ng kasama mo sya,
Patatawanin kita katulad ng ginagawa nya para mapangiti ka,
Yayakapin kita katulad ng ginawa nya noong pakiramdam mo pasan mo ang problema sa mundong ito.

Pangako ko yan sayo,
Pangako,
Tutuparin ko ito hanggang sa bumalik sya ,bumalik sya ulet sa buhay mo at gawin ang lahat ng pangako ko.

Pero mahal,
Pangako ko sayo na handa kong gawin lahat ng iyan kahit paulit ulit ka nyang iwan,balikan,iwan,balikan,
Pangako nandito lang ako para buuhin ka sa panahong durog na durog kana dahil sa kanya.

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon