"Mahal kita"

18.1K 49 0
                                    

Pag sinabi kong mahal kita ibig sabihin mahal kita wala ng iba,
Pag sinabi kong mahal kita ibig sabihin hindi na ko mag hahanap ng iba,
Pag sinabi kong mahal kita ibig sabihin ayokong makita kang lumalayo kasama sya,
Pag sinabi kong mahal kita akin kana.

Mahal kung dumating man ang araw na mawala ka o makahanap ka nang iba tandaan mo lang na nandito lang ako lagi pag kailangan mo ako
handa akong punasan ang bawat butil ng luha na papatak o aagos sa iyong mata ng dahil sa kanya.
Pero mahal kung dumating naman ang taong para sa akin handa ako ....
handa akong pakawalan sya para sayo dahil pano ko mamahalin ang taong nakatakda sa akin kung ikaw parin ang tinitibok ng pusong ito pano ko sya mamahalin? ayokong makasakit ng tao ayoko.... alam ko kasi ung pakiramdam nun ....MASAKIT pero MASARAP masarap kasi mararamdaman mo kung paano mag mahal mararamdaman mo mahalin mararamdaman mo ang pag mamahal pero mararamdaman mo ren ang sakit yung magpakatanga ka kahit para sa kanya tapos na pala .

Spoken Word Poetry (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon