C H A P T E R 5

711 20 0
                                    

Still Jennifer's Pov

Grabe. 1.K likes[ANGRY REACTION] na yun picture ko nung pinost ko pa kagabi. Famous na pala yun kagandahan ko.

Pagpasok ko ng Gate nagulat na lang ako ng may bumato sakin ng , ITLOG? Aga aga! Nakakaasar! Yung uniform ko!

" Yak! " sigaw ko sa sobrang pandidiri

" Tama Jennifer! Mandiri ka sa sarili mo! Kasi nakakadiri ka na talaga. You know what? Ang baho mo! Baho ng budhi mo! Di ka na nakuntento na sinaktan ka ni Paul. Ngayon, nakikiJarred ka . Well okay nga yon. Masarap naman siguro ang masaktan Jennifer no? " At binatuhan pa ako ni Hazel na isa pang itlog! Eeeew! Nakakadiri na talaga. Napupuno na ako.

Tutal magisa lang siya kaya nilapitan ko na

" Hazel! Bwisit ka-- "

" Girls! "

Kaso may lumabas na lang ng mga babae at bigla na lang ako hinatak. Ano bang problema ng mga hampaslupang to?

" Ilayo niyo yang basurang yan sakin. "

Nakakainis talaga tong Hazel to. Napakaplastic! Ang lakas na loob na kalabanin ako e alalay lang naman ang turing ko sa kanya. So yuck! Kaso, ako pala yun nakakadiri this time. Hays, inggitera kasi ng taon. Palibhasa mas maganda at mas nakaka angat ako sa kanya! PLASTIC! SIPSIP! BASTARD! EEEEER!

" Pearl! Give me the flour " Tinawag niya naman si Pearl. Yak lang! Di siya bagay mag kontrabida. Her grammar is bad [tulad ni author 😂]

" Let me go! " pagpupumiglas ko pero mahigpit nila akong hinahawakan. Nakakainis na talaga! Akala mo kung sinong kontrabida ang ganap. E mas masama naman ako compare sa kanila. Nagkataon lang na madami sila at ako, nagiisa.

" Ibuhos mo na "

Nagulat na lang ako ng talagang binuhos niya yun harina sakin. YAAAAAAK! Never ko pa to naranasin in my whooole life! I did not expect na sila ang gagawa neto sakin! Mga shit alalays belongs to animal kingdom! IW!

" Argh/coughs/ "

" Pasalamat ka Jennifer at yan lang ang ginawa namin sayo. Napakalandi mo! Inakit mo pa si Jarred! "

Nilandi? Kung makareact naman to si Hazel. Kayo ba ni Jarred? HUH?

" Kaya ka ba nagagalit sakin kasi para sayo, nilandi ko si Jarred from you? No way. Tigilan mo na to kasi hindi ka niya magugustuhan kahit pa gantuhin mo ko o hindi. Kasi, isa ka lang HAZEL. Hindi tulad ko, JENNIFER AKO! Kaya you better to shut your mouth-- /slaps/ "

MY FAKE BOYFRIEND || JENMIN || COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu